^

PSN Opinyon

Dr. Paul Chua vs Isuzu, Philippines

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NANGGAGALAITI sa galit si Dr. Paul Chua (GSC) MCA MNSA, isang young executive na bumili ng brand new Isuzu Trooper noong 2003, mga P1.7 million ang worth.

Casa maintained ang SUV Isuzu Trooper ni Paul kaya naman kampante ito sa paggamit ng kanyang brand new vehicle siyempre plus his family. Sabi nga, kahit change oil sa Isuzu!

After two years, nagkaroon ng problem ang kanyang vehicles porke kailangang palitan ng injector ang kanyang tsikot kasi bigla itong pumugak.

Nagtataka si Paul dahil casa maintained ang sasakyan. Ano ang nangyari, bakit ito pumapalyo?

Ang explanation ng Isuzu kay Paul, sila ang bahala sa problem solving dahil papalitan nila ang dapat palitan kasi under warranty pa ang sasakyan. Ika nga, noong una magandang pakinggan!

Hindi lang isa, dalawa, kundi makatlong beses pumugak ang tsikot ni Paul na kinairitahan niya. Sabi nga, buwisit na buwisit!

Sandamukal ang hinaing ni Paul sa Isuzu Philippines pero huwag ko munang ikuwento ito dahil baka kung ano pa ang mangyari sa puso ng mga readers kapag nabasa nila ang umpisa up to the katapusan ng story. Ika nga, baka ma-highblood at ma-heart attack?

Hindi napigilan ang sama ng loob ng ating bida sa nangyaring kapalpakan ng kanyang Isuzu Trooper kaya sa banas, iniwan niya ito sa casa at up to now ayaw niya itong kunin. Akin na lang, he-he-he! Sabi nga, palitan ng bago or money back!

Dahil researcher si Paul, nadiskubre niya sa fish net, este mali, internet pala na may three countries pala ang nagpa-recall ng Isuzu vehicles – brand names Holden Jackaroo, Trooper at Big Horn. Ang mga ito ay ang Australia, United Kingdom at ang New Zealand.

Defective pala ang makinang 4JX1-TC nang ma-research ni Paul kaya ang operation nito ay pinatigil noong 2002 ang findings ayon sa una ng mga bright people ay depektibo ang injection sealing (0-ring) material at can deteriorate and cause fuel to leak into the crankcase.

Ang tanong ni Paul, bakit noong 2003 itinambak pa ang mga ito sa Philippines my Philippines at ibinenta na parang hot pot, este mali cake pala?

"May sulat si Paul sa Chief Kuwago sa Saturday ilalabas ko ito kung bakit siya nanggagalaiti sa galit sa Isuzu Philippines," sabi ng kuwagong economic saboteur.

"Dapat malaman ng mga buyers ang kuwento ni Paul para naman hindi sila matulad sa una," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Basta sa Saturday ang sulat ni Paul ilalagay ko todits sa ORA MISMO."

"Abangan mo kamote!"

BIG HORN

CHIEF KUWAGO

DR. PAUL CHUA

HOLDEN JACKAROO

ISUZU

ISUZU PHILIPPINES

ISUZU TROOPER

PAUL

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with