EDITORYAL - Dagdag na singil sa tubig
December 21, 2006 | 12:00am
HINDI maganda ang balita sa pagpasok ng 2007 sapagkat magtataas ng singil ang Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Co. Ang dalawa ang nagseserbisyo ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit lugar.
Magdadagdag ang Maynilad ng 48 centavos bawat cubic meter samantalang ang Manila Water ay 84 centavos bawat cubic meter. Magsisimula ang singil sa January 1, 2007. Ang pagtataas ng singil ay dahil diumano sa inflation at malaking pagkakautang. Ganoon pa man, sinabi ng Maynilad na hindi madadama ng mga maliliit na consumers ang increase sapagkat babalikatin ng industrial at commercial consumers ang tariff adjustment. Mababa pa rin daw ang babayaran ng mga maliliit na consumers. Ganoon man, walang nabanggit ang dalawang kompanya ng tubig kung anong magandang serbisyo ang kanilang ihahatid sa mga consumers.
Ang pagtataas ng singil ng dalawang water concessionaires ay nataon naman sa balitang magbabawas ng supply ng tubig sa January. Bumababa raw ang level ng tubig sa Angat Dam at kailangang magtipid. Maaari raw magsagawa ng ration kung patuloy na bababa ang level ng tubig. Hindi raw nadagdagan ang tubig sa kabila na nagkaroon ng mga sunud-sunod na bagyo.
Umaasa ang consumers na magkakaroon ng pagbabago sa kanilang serbisyo (lalo pat magtataas ng singil). Unang-una nang reklamo ay ang mahinang tulo ng tubig na kanilang dinaranas. Maraming nagsasabing hindi na baleng magbayad nang malaki kung malakas naman ang tulo sa gripo pero kabaligtaran ang nangyayari, wala nang tulo e malaki pa rin ang binabayaran dahil hangin ang lumalabas. At habang marami ang nagrereklamo sa mahinang tulo, makikita naman ang malakas na pulandit sa mga kalsada dahil sa mga sirang tubo ng tubig. Reklamo rin ang malabo at maruming tubig na maaaring pagmulan ng sakit.
Hindi maganda ang simula ng 2007 sa mga consumers ng Maynilad at Manila dahil sa dagdag na singil. Subalit ang hindi magandang kahaharapin ay mapapawi kung itotodo naman nila ang kanilang serbisyo sa publiko. Pabuhusin nang regular ang masarap at malinis na tubig at ang pagkainis ng publiko sa mataas na singil ay maaalis.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended