^

PSN Opinyon

Chicklet Gang: Grupong kawatan

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
ILANG biktima na ang lumapit sa BITAG at inirereklamo nila ang grupo ng ilang kalalakihan na kung tawagin ay Chicklet Gang. Ang estilo ng grupo: Tatlo hanggang limang kalalakihan ay kumakain ng chicklet habang naghahanap ng bibiktimahin.

Kalimitan ay sa mga pampasaherong bus sila nambibiktima, paboritong target nila ang mga babae na dikitan ng chicklet na kanilang nginangata. Matapos maidikit ay isa-isa nang lalapit sa babae ang mga kasabwat na kunwari ay tutulong.

Dahil sa nadikitan na sa buhok ng chicklet ay mawawala na sa isip ang mga gamit katulad ng cellphone at wallet. Ito na ang oras na mananakawan na ng mga lalaking akala ay tutulong.

Base sa mga reklamong natanggap ng BITAG, iisa lang ang kanilang estilong kawatan. Ang area of operation ng mga kolokoy na magnanakaw na ito ay mula Quiapo sa Maynila patungong Ayala, Makati hanggang sa Baclaran.

Aktibo ang grupong ito kapag araw ng sahod at ngayong magpa-Pasko na ang mga empleyado ay maraming pera dahil sa mga bonus.

Patuloy na nagbibigay babala ang BITAG sa publiko para makaiwas at nang hindi mabiktima ng dorobong Chicklet Gang.

Kung sakaling makasaksi ng ganitong pangyayari, huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa mga kasamahang pasahero at pagtulung-tulungan ang mga dorobong ito para mahuli nang makalaboso bukod sa bugbog na gagawin ng taumbayan sa kanila. Maging mapagmasid at alerto.

Babala nang BITAG sa Chicklet Gang: Ang lalaki ng katawan ninyo, bakit hindi kayo magtrabaho nang patas. Hindi ’yung nabubuhay kayo sa masamang gawain.

Tukoy na ng BITAG kung sino kayo at kung saan ang area of operation n’yo kaya mas magandang tumigil na kayo bago kayo mahulog sa patibong ng BITAG.

AKTIBO

AYALA

BABALA

BACLARAN

BITAG

CHICKLET

CHICKLET GANG

DAHIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with