^

PSN Opinyon

EDITORIAL - H’wag lang Pasko i-VIP ang mga OFW

-
ANG mga overseas Pinoy workers ang nagsasalba sa Pilipinas para hindi malubog sa lusak. Noong nakaraang October, pumalo sa pinakamataas na record ang remittances ng mga nagtatrabaho sa abroad – $1.19 billion. Whew! Iyan ay noong October lamang at maiisip kung gaano pa kalaking pera ang ipinasok ng mga OFW noong Nobyembre at buwang kasalukuyan. Patuloy pa ang pagdagsa ng mga OFW na nagbabakasyon para dito iselebra ang Pasko at Bagong Taon. VIP ang turing sa kanila ng gobyerno kapag umuuwi.

Kamakalawa, sinalubong ni President Arroyo ang mga "bagong bayani" sa Ninoy Aquino International Airport. Nagkaroon ng mga pa-raffle kung saan, pumili ng mga bagong dating na OFWs at nanalo nang malalaking premyo. Hindi lamang ang mga dumarating na OFWs ang binigyan ng VIP treatment kundi pati na rin ang mga umaalis.

VIP treatment ang mga OFW na dapat lamang gawin ng gobyerno. Kung tutuusin kulang pa ang mga ginagawang pag-istima ng mga opisyal sa mga bagong bayani sapagkat sobra-sobra ang ibinibigay na tulong nila sa bansa. Noong 1996 na sinagasaan ng financial crisis ang Pilipinas, ang mga OFW ang nagsalba sa pamamagitan nang malaking dollar remittance. Nakabangon ang bansa dahil sa ayuda ng mga bagong bayani. Kung ang aasahan lamang ay ang kita ng bansa, wala itong magagawa. Kaya masakit mang aminin, walang kakayahan ang gobyerno na pasanin ang problemang pinansiyal at kailangan pa ang tulong ng OFWs.

Masakit namang malaman na may mga OFW na hindi lubusang nakatitikim ng tulong sa pamahalaan. Maraming OFW na nagkakaroon ng problema sa bansang pinagtatrabahuhan subalit hindi tinutulungan ng embahada ng Pilipinas. Masakit na mismong mga tauhan pa sa embahada ang nagpapahamak sa mga kababayan. Maraming Pinay maid ang nakararanas nang pagmamaltrato sa kanilang amo subalit walang makuhang tulong mula sa embassy.

May mga OFW na napaparusahan ng kamatayan na hindi nalalaman ng mga pinuno ng gobyerno. Malalaman na lamang kapag napugutan na o kaya’y binigti.

Huwag lang kung Pasko i-VIP ang mga OFW.

BAGONG TAON

MARAMING PINAY

MASAKIT

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NOONG

OFW

PASKO

PILIPINAS

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with