Nadismis na runner ng banko
December 19, 2006 | 12:00am
SI Ben ay "runner" sa cash department ng isang banko. Isa sa mga tungkulin ni Ben ang kumuha ng pera mula sa vault kapag hiniling ito ng mga teller ng banko. Batay sa pamamaraan ng banko, kapag nagkaroon ng cash request, ihahanda ng teller ang requisition slip at pagkatapos ay ipagtitibay ito ng isang machine; itatago ng teller ang isang kopya ng slip at pagkatapos ay ibibigay sa runner ang orihinal na kopya na magsusumite sa cashier o cash custodian; kapag natanggap na ng cashier ang kopya, maglalabas na siya ng pera katumbas ng halagang nakasaad sa slip at pagkatapos ay itatabi nito ang orihinal na kopya ng slip. Gayunpaman, walang tungkulin ang runner na pumirma sa anumang dokumento na magpapatunay na natanggap niya ang pera. Samantala, tuwing "off line hours", ang mga slips ay tinatatakan ng "posted" kalakip ang pirma ng mga teller.
Noong August 27, 1997, natuklasan sa rekord ng cashier na ang halagang naipatupad ay hindi tugma sa rekord ng teller. Nawalan ang banko ng P150,000, ang halagang hiniling ng isa sa mga teller ng banko na si Marge. Ayon sa cashier ng banko na si Romy, naibigay niya ang halagang ito kay Ben upang ibigay nito kay Marge. Subalit itinanggi ito ng dalawa. Matapos ang imbestigasyon, napatunayan na ang requisition slip ng nawawalang P150,000 ay duplicate na kopya, may tatak na "posted" at walang pirma ng teller. Gayunpaman, kinilala ito ni Romy at inaming inilabas nga niya ang nawawalang halaga. Naibigay daw niya ang pera kay Ben dahil ang slip ay naglalaman ng inisyal nito kahit na hindi si Ben ang naglagay ng inisyal at walang indikasyon na ito ang pumirma.
Base sa natuklasan, tinanggal ng CBC si Ben sa serbisyo sa mga dahilang 1) matinding pagsuway sa mga tuntunin; 2) pandaraya; 3) pagnanakaw o tangkang pagnanakaw sa banko; 4) pagpalsipika ng rekord o dokumento at pakikialam sa mga kagamitan at pasilidad ng banko sa mithiing mandaya.Tama ba at legal ang pagdismis kay Ben?
MALI. Ang mga paratang kay Ben ay hindi sapat na napatunayan. Ang nakawan o tangkang pagnanakaw sa banko o palsipikasyon ng dokumento nito ay hindi naipakita ng naisagawang imbestigasyon. Mahina rin ang paratang ng pagsuway sa tuntunin ni Ben dahil ito ay munting bagay lamang taliwas sa hinihingi ng batas na seryoso o malalang pagsuway. Hindi rin napatotohanan ng banko kung bakit nawalan ito ng kumpiyansa at tiwala kay Ben.
Kahit na si Ben ang nakatalagang humawak at magbigay ng pera sa teller, ang desisyong magpatupad o maglabas ng nasabing halaga ay nakasalalay pa rin sa cash custodian na si Romy. Sa katunayan, ang nawawalang halaga ay ipinatupad labag sa pamamaraan ng banko. Ang banko na eksperto at bihasa sa operasyon nito ay hindi dapat isisi ang pagkawala ng pera sa empleyadong si Ben base lamang sa pagdududa. At dahil hindi ipinakita ng CBC ang makatarungang dahilan ng pagdismis kay Ben, naigawad ng korte ang pagbabalik kay Ben sa serbisyo pati na ang backwages nito (Ballao vs. Court of Appeals, et.al. G.R. 162342, October 11, 2006).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am