^

PSN Opinyon

Trahedya na naman

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
May bagong trahedyang tumama sa bansa
At ito ay dulot ng bagyong tumama;
At ito’y sa Bicol naman nanalanta
Maraming namatay, maraming nawala!

Ang masakit nito mga pulitiko
Hindi kumikilos upang sumaklolo;
Mga kongresista’t tao ng Senado
Abalang-abala sa pagnenegosyo!

Ang negosyo nila’y hindi magkaisa
Sa con-ass na lubhang ginusto ng iba;
Tuloy ang bangayan —- tuloy ang salita
Gayong nakalugmok itong buong bansa!

Mabuti pa ang pope na agad nagdasal
Para matahimik ang mga namatay;
Samantalang silang nasa sa malapt lang
Wala kang narinig ni munting pagdamay!

Buti pa ang mga bansang nasa tabi
Nitong bansa natin na palaging api;
Sila’y sumaklolo -— ang relief kay dami
Kaya nabawasan ang pagkaduhagi!

Mga pulitiko nitong Kabikulan
Walang umuuwi sa sariling bayan;
Mga paa nila’y ayaw maputikan -
Kung kaya ang dusa’y walang katapusan!

Palaging ganito ang takbo ng buhay
Lalo’t may trahedyang sa ati’y dumatal
Mga nasalanta’y sila-sila na lang
Sa sarili nila ay nagsisidamay!

Kaya mabuti pang wala ng Kongreso
Saka wala na rin’yang Parliamento;
Baka mabuti pang tayong mga tao
Sa ating sarili ay mag-asikaso!

At kung may trahedyang darating sa atin
Mga pulitiko’y huwag nang pansinin;
Kailangang tulong ating balikati’t
Tulong ng dayuhan ang ating hintayin!

ABALANG

BICOL

BUTI

GAYONG

KABIKULAN

KAILANGANG

KAYA

KONGRESO

MARAMING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with