Proteksyon laban sa medical malpractice
December 16, 2006 | 12:00am
BUKOD sa pagiging doktora, ako rin ay isang ina kaya nga sa tuwing nakakabasa ako o nakakabalita ng mga kasong kinasasangkutan ng mga medical practitioner na inaaakusahan ng kapabayaan, ay hindi maiwasang mabagbag ang aking kalooban.
Ito ang nagtulak sa akin upang ipanukala ang SB 2437 na sa aking pananaw ay malaki ang maitutulong upang mabigyang hustisya ang ating mga kababayan na naging biktima ng medical malpractice bukod pa sa makatutulong itong mapataas ang serbisyo ng ating mga doktor at iba pang nasa medical profession.
Sa aking pag-aaral, naniniwala ako na ang pagpapalawak sa awtoridad at kakayahan ng Philippine Medical Association (PMA) ay isang paunang hakbang upang makamtan ang mga layuning nabanggit ko sa itaas.
Sa kasalukuyan kasi bagaman may mga option na available sa mga naging biktima ng maling desisyon o kapabayaan ng isang doktor o kaya ay ospital, alam naman ng lahat na ang prosesong legal ay magastos, mabagal at puno pa ng teknikalidad.
Sa aking panukala, mabibigyan ng bagong daluyan ng reklamo ang mga naniniwalang biktima sila ng medical malpractice sakaling mapalawak nga ng SB 2437 ang awtoridad ng PMA dahil kaya nitong agarang suspindihin o kaya naman ay tanggalan ng lisensiya ang sinumang doktor o pagamutan na may batayang maakusahan ng medical malpractice. Ito ay bukod pa sa karapatan ng biktima at kanyang pamilya na maghain ng bukod na reklamong kriminal sa ating mga korte.
Sa kamay ng isang doktor o pagamutan nakasalalay ang buhay ng sinumang pasyente at marapat lamang na ang anumang pagkukulang nila ay agarang mapatawan ng karampatang parusa. Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o lumiham sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest