^

PSN Opinyon

Tulungan natin ang mga nabiktima ni ‘Reming’

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
TULUYAN nang inilibing ng Kongreso ang constituent assembly (con-ass) matapos na magbanta ang sambayanan na magsasagawa ng mga kilos protesta sa mga lansangan upang sila’y panagutin. Sa resolusyon ni Rep. Norberto Nograles na inihain sa plenaryo, iminungkahi niya na baliwalain na ang batas upang hindi na ito maipatupad kailanman.

Inayunan naman ni Speaker Jose de Venecia matapos na walang isa mang sipsip na mambabatas ang kumontra, kaya iminungkahi nito na ilagay sa archive at tuluyan nang ilibing sa limot, he-he-he! Laking sampal sa mga mambabatas na nag-aambisyong manatili sa kanilang puwesto.

Kasi nga naman mga suki! Sa halip na magkaisa sila na matulungan ang mga mamamayan ng Albay at Camarines Sur na hinagupit ng super bagyong Reming ay personal na interes ang kanilang inatupag.

Ramdam na nila na namiminto na ang pag-aalburuto ng mamamayang Pilipino kung patuloy nilang igigiit ang naturang batas, he-he-he! Ngunit sa paningin ko hindi pa huli ang lahat mga Sir! Panahon na para kumilos at maipakita n’yo sa sambayanan na mayroon din naman kayong "Ginintuang Puso".

Kumilos na kayo at himukin ang lahat ng mga inihalal ng taumbayan na tumulong sa mga biktima ni Reming sa Albay, Catanduanes at Camarines Sur. Sa kasalukuyan kailangan ng mga mamamayan ng naturang mga lalawigan ang pagkain, medisina at mga kabahayan na masisilungan.

Ang Damayan foundation na itinatag ng Star Group of Publication sa pamamagitan ng pag-aambagan ng The Philippine STAR, Pilipino Star NGAYON, PM PangMasa at Pilipino Star Printing ay naghahanda sa isang malaking relief operation sa naturang lugar. Ang naturang proyekto ay ayon sa kautusan ni Miguel Belmonte ang kasalukuyang over-all Chairman ng Damayan foundation upang makatulong sa mga biktima.

Noong nakaraang linggo lamang ay namahagi na ang Damayan Foundation sa may 1,100 pamilya sa Pili, Camarines Sur; Polangui, Ligao, Guinobatan, Camalig, Legazpi at Tabaco sa Albay.

At nitong nakaraang linggo naman ay nagkaisa ang mga pulis ng Manila’s Finest Brotherhood ng Manila Police District at ng MPD Press Corps na tapyasan ang kanilang gastusin sa kanilang Christmas party upang itulong sa mga biktima ni Reming. Labis akong pinahanga ng ating mga pulis sa kanilang naging hakbang, di lang pala pagsugpo ng krimen ang naipamalas nila kundi sa pagtulong din sa mga biktima ng kalamidad. Saludo ako riyan mga Sir! He-he-he!

Nagtulong-tulong sina MPD Acting Director SSupt. Danilo Abarsoza, Sr. Insp. Emma Lim, pangulo ng Manila’s Finest Brotherhood Association at Francis Naguit, Pangulo ng PMD Press Corps na himukin ang lahat ng kanilang miyembro upang makalikom ng pondo para maitulong sa mga biktima.

Ang lahat ng kanilang nakolektang pondo ay ipinamili ng mga grocery items at pormal na ibinigay sa Damayan Foundation upang maisama ito sa pamamahagi sa mga probinsiyang nasalanta ng bagyong Reming. Mabuti pa itong mga pulis Maynila may puso at handang tumulong sa mga nangangailangan. O kayo diyan mga suki, baka may nais kayong iambag sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong, maaari ninyong dalhin ang inyong tulong sa aming tanggapan sa Star Group of Publication, Roberto Oca St., Port Area, Manila at sa lahat ng branches ng Metro Bank account no. 151-3-04161622-9.

vuukle comment

ACTING DIRECTOR

ALBAY

ANG DAMAYAN

CAMARINES SUR

DAMAYAN FOUNDATION

DANILO ABARSOZA

PRESS CORPS

REMING

STAR GROUP OF PUBLICATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with