^

PSN Opinyon

Paano makakatipid sa handa sa Pasko

SAPOL - Jarius Bondoc -
MINAMANMANAN ng Departments of Trade at ng Agriculture ang presyo at supply ng pagkain ngayong Kapaskuhan. Kabado kasi sila na maaring magmahal ang ilang pagkain dahil sa salanta ng tatlong sunod-sunod na super-typhoons. Bukod du’n, mino-monitor din nila ang presyo ng mga sangkap sa mga pinaka-common na pagkain sa mga handaan sa panahong ito: Spaghetti, fruit salad at hamon. Ibig sabihin, kabado sila na baka magmahal o maubos sa ilang lugar, tulad ng mga nakaraang Pasko, ang spaghetti noodles, tomato sauce at pasta, fruit cocktail, all-purpose cream, at hita ng baboy.

Pinangako ng mga pabrika na sapat ang ipo-produce nilang mga naturang sangkap. Pero ayon kay Steven Cua, presidente ng samahan ng supermarkets at grocery stores, maaring mag-shortage pa rin. Natural lang kasi sa manufacturers na maglagak ng produkto sa pinaka-malaking supermarket sa isang pook, at aasang doon kukuha ang sari-sari stores. Pero atubili naman ang supermarkets na tumanggap ng sobrang daming pro- dukto, dahil baka hindi naman maibenta lahat sa Kapaskuhan, kaya magkakaroon ng malaking imbentaryo sa Enero at ookupa pa ng espasyo sa bodega. At kung minsan naman, dagdag ni Cua, hindi rin mabilis mag-replenish ng stocks ang maliliit na tindahan.

Panawagan tuloy ni Cua, huwag sana puro spaghetti, fruit salad at hamon ang ihanda. Maging malikhain daw sana sa pag-isip ng kapalit. Sa gayon, hindi mauubusan ng ingredients, hindi mabibitin sa handa.

Sa halip na spaghetti noodles, payo ni Cua, elbow macaroni na lang ang bilhin. Malaking tipid: may noodles na, may macaroni salad pa. O kaya, pancit canton noodles. Imbis na fruit salad, fresh fruits daw ang ihanda, o kaya minatamis na saging na saba; e di naiba nga naman. Imbis na hamon, puwede namang ibang klaseng karneng baka, baboy o manok ang ihanda.
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ABANGAN

BUKOD

CUA

DEPARTMENTS OF TRADE

ENERO

IMBIS

JARIUS BONDOC

KAPASKUHAN

PERO

STEVEN CUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with