Mas malalang kalamidad
December 14, 2006 | 12:00am
DETROIT, MICHIGAN This may be a grim scenario pero ito mismo ang warning ng environment group na Greenpeace. Sa loob ng papatapos na taong ito, naranasan natin ang hagupit ng mga malalakas na bagyo at tinatayang sa darating pang mga taon, baka mas masa-hol pa ang danasin natin (knock on wood).
Ayon kay Abigail Jabines, ng Greenpeace Southeast Asia, ang impact ng mga kalamidad na ito ay magiging mas malala sa mga bansang maliliit o walang resources para gawing magaan ang epekto nito. That includes the Philippines.
Tinukoy ni Jabines ang apat na magkakasunod na bagyo sa huling bahagi ng 2004 na ditoy nalagasan na ang Pilipinas ng P7.61 bilyon. Hindi pa kasama riyan ang halagang naaksaya dahil sa mahabang panahon ng tag-tuyot.
Gaya ng nasabi natin sa nagdaang kolum, ang pagbabago sa klima ng panahon ay bunga na rin ng pagmamalabis ng tao. Dito sa US, medyo kampante ang tao. Hindi nakadarama ng alinsangan maliban na lang kung panahon ng tag-init. Pero hindi ito nangangahu-lugan na libre na sila sa pananalanta ng radikal na pagbabago ng panahon. Pagdating ng kasagsagan ng problemang ito, ang buong daigdig ay apektado. Kaya ang pangangalaga sa kapaligiran ay tungkulin ng bawat mamamayan ng daigdig na ito.
Ang mapaminsalang gasses dulot ng mga sasakyan at pabrika at iba pang uri ng kemikal ay nakapagdudulot ng ireparable damage sa ating atmosphere. Patuloy na tumitindi ang init at ang nanigas na tubig sa mga kabundukan sa mga malalamig na lugar ay marahang nalulusaw at bumababa sa kapatagan. Hinuhulaan na kapag ganap na nalusaw ang mga yelong itoy lulubog ang daigdig. That is the worst case scenario na maaaring mangyari.
Email me at [email protected].

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest