Ang tapang ng apog ng mataray na senador. Ano kaya ang mangyayari sa Pilipinas kung katulad ng senadora ang mamumuno sa Supreme Court? Mabuti na lang at hindi sinunod ng Malacañang ang kahilingan ng senadora at sa halip ay in-appoint ni GMA si Senior Associate Justice Reynato Puno bilang CJ.
Na-impress ako sa qualifications at experience ni Puno. At least, puwede siyang pagkatiwalaan sapagkat subok na ang kanyang mga ginagawa at takbo ng pag-iisip. Dapat lang na siya ang piliin sapagkat pinaka-most senior justice ng Supreme Court. Talagang natural na naka-linya siyang maging CJ kung tradition din lamang ang pag-uusapan.
Iniisip ko kung ano ang reaksiyon ni Miriam sa ginawa ni GMA na pag-appoint kay Puno. Baka galit at nag-iisip na buweltahan ang Malacanang? Umaasa kasi si Miriam na na siya ang kauna-unahang babae na magiging CJ.
Sa palagay ko, may maririnig nang buweltang batikos kay Miriam laban kay GMA. Ito ang aking aabangan. Abangan din ninyo.