Rules of democracy
December 8, 2006 | 12:00am
RULE OF LAW. Isang legal system kung saan ang RULES ay malinaw, naiintindihan ng lahat at pinapatupad ng patas. Lahat ng mamamayan - maging dalubhasa, dukha o opisyal ng gobyerno - ay kailangang sumunod sa batas. Kung may RULE OF LAW, protektado ang tao sa abuso.
Sa Pilipinas bay naghahari ang RULE of LAW? SIYEMPRE, di nga ba!? May sariling Konstitusyon nga tayo at katakut-takot na batas. Malinaw naman ba, naiintindihan at pinapatupad ng patas? Tingnan: Sa sangay ng Judiciary, may RULE na disqualified ang hindi sumipot sa interview for Chief Justice. Sinunod ba? Hindi. Sa sangay ng Legislative, may RULES ang Kamara na hango sa pitong dekadang karana-san. Nirespeto ba? Hindi. Mukhang may TREND yata sa gobyerno na balewalain ang batas. At ang Execu-tive? Eh di ba ito nga ang pasimuno ng lahat? Hello... Garci?
Ang argumento ng iba - may RULE rin silang sinusunod. Ang RULE of the MAJORITY. Kung kagustuhan ng nakararami, ito ang dapat sundin. Ganyan daw ang diwa ng demokrasya. Kaya "majority rules" sa JBC, at "majority rules" sa HOUSE. Dalawang gabi nang puyat ang REPORT CARD sa kapapanood sa Charter change. Bagamat hindi tayo kumbinsido na tama ang prosesong sinunod, tanggap nating hindi maaring manaig ang minorya kung daanin sa paramihan. Ang Batasan ay isang sanggunian. May karapatan kang mapakinggan subalit hindi maaring hadlangan ng iilan ang kagustuhan ng mayorya.
Subalit paano na lang kung ang pasya ng nakararami ay salungat sa mga umiiral na batas at patakaran? Ang sabi ni Gandhi: "In matters of conscience, the law of majority has no place." Translation: Aanhin ang bilang kung wala namang katwiran?
At paano kung ang pasya ng inyong binotong Kinatawan ay kontra sa inyong kagustuhan? 70% sa inyo ang ayaw sa Cha-cha ayon sa survey. Saan man hahantong ang Cha-cha Express - mula Kongreso may stop sa Comelec at sa Supreme Court sa huli, nasa iyo ang desisyon. Iyan ang number one Rule ng demokrasya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended