^

PSN Opinyon

Hindi pa tapos ang kaso ni ‘Nicole’

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI naitago ang kasiyahan ni "Nicole" at kanyang mga tagasuporta nang mahatulan si Lance Cpl. Daniel Smith noong Lunes sa Makati City Regional Trial Court. Habambuhay ang parusa kay Smith dahil sa panggagahasa kay "Nicole" noong Nov. 1, 2005. Naganap ang panggagahasa sa loob ng isang van. Napawalang-sala naman ang tatlong kasamahang sundalo ni Smith.

Hindi ko maintindihan si Makati City Regional Trial Court Judge Benjamin Pozon kung bakit si Smith lamang ang nahatulan at ang kanyang mga kasamahan ay napawalang-sala. Nakabalik na sa kanilang base sa Okinawa, Japan ang tatlo.

Subalit kahit na si Smith lamang ang nahatulan, nakikipagsaya pa rin ako kay Nicole. Binabati ko rin si Judge Pozon dahil sa ipinakita niyang tibay at pagkakaroon ng mataas na moralidad na bihira nang makikita lalo na sa mga katulad niyang humahawak nang maimpluwensiyang posisyon.

Ang kaso ni "Nicole" ay hindi isang ordinaryong kaso sapagkat sangkot dito ang United States na pinagkakautangan natin ng loob at sinasandalan ng ating bansa. Nalalagay sa alanganin ang Pilipinas sa kasong ito. Parang lumalabas na ang isinusubo natin sa kamatayan ay anak ng pinagkakautangan at bumubuhay sa atin.

Naglagay ito sa hindi magandang kalagayan ng Pilipinas. Inilalahad ng desisyon sa kaso ni Nicole na may hustisya sa Pilipinas subalit hindi pa tapos ang pagsubok sapagkat hindi pa rito natatapos ang kaso ni Nicole. Mainitan pang pinagtatalunan kung saan permanenteng ikukulong si Smith. Gustong kunin ng US embassy si Smith samantalang ipinag-utos ni Judge Pozon na sa Makati City jail ito ikukulong.

vuukle comment

BINABATI

DANIEL SMITH

JUDGE POZON

LANCE CPL

MAKATI CITY

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE BENJAMIN POZON

PILIPINAS

SMITH

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with