Chief Supt. Rosales itapon mo sa Mindanao si SPO2 Arnel Prades!
December 6, 2006 | 12:00am
TUMUNOG ang mga cell phone ng mga gambling lords sa southern Metro Manila ilang oras matapos sumumpa sa tungkulin noong Lunes ang bagong hepe ng Southern Police District (SPD) na si Chief Supt. Roberto Rosales. Inutusan ang mga gambling lords ng kausap nila na mag-report sa Miss Universal sa Pasay City at may pag-uusapan sila. At ang ginigisa na pangalan ng kausap ng mga gambling lords ay ang kay Rosales.
Siyempre, dahil sa kagustuhan nilang makumpirma kung may basbas nga ni Rosales ang kausap nila, aba nagtawagan din ang mga gambling lords sa mga kaki-lala nila. At napatunayan nila na hindi Totoo o huwad ang kausap nila na si SPO2 Arnel Prades. Ang tanong ngayon sa SPD, sino ang nag-utos kay Prades para ipangalandakan ang pangalan ni Rosales? Tiyak may kasagutan diyan, di ba mga suki?
Si Rosales ay dati nang naka-assign sa SPD noong kapanahunan ni Ret. Gen. Edgar Aglipay. Matapos ang 20 mahabang taon, bumalik siya para giyahin ang SPD sa pakikibaka laban sa kriminal at terorista. Sa kanyang acceptance speech, nagwarning si Rosales na dudurugin niya ang mga pulis na kung tawagin ay dirty and brutal. Aniya, wala silang puwang sa lipunan natin. Ang gusto kasi ni Rosales ay maging honest ang kapulisan niya. Yaon bang may self respect hindi lang sa proper grooming kundi maging sa pagsuot ng uniporme nila.
Kung sabagay, paano rerespetuhin ng sambayanan ang kapulisan kung ang sarili nila mismo ay hindi nirerespeto, di ba mga suki? Pero kumambiyo rin si Rosales at nangakong sasagutin niya ang kanyang mga tauhan kahit saan man sila makarating kapag ginawa nila ang tama sa pagtupad sa kanilang tungkulin. At siyempre, gusto ni Rosales na maging partner ng SPD ang publiko sa pakikibaka laban sa krimen at terorista. At nasa tabi rin niya ang mga retiradong pulis na kung tawagin niya ay Coun-cil of Elders, he-he-he! May kalalagyan ang mga kriminal at terrorista na nag-ooperate sa SPD kay Rosales. Tiyak yun,di ba mga suki?
Pero dapat unang bigyan ng pansin ni Rosales ay si Prades. Kasi nga kung marami siyang pangarap at proyekto para sa SPD kung hindi naman niya masawata si Prades ay maaaring sumipa ito sa kanya, di ba mga suki? Kaya dapat sa Mindanao ipatapon ni Rosales si Prades para hindi na siya pamari-san pa. Kung sabagay, hindi naman natuloy ang meeting ni Prades sa mga gambling lords sa Miss Universal dahil pina-cancel din niya ito. Ang balitang umuugong sa SPD, ang nasa likod ni Prades ay si Arnold Sandoval. Hindi ba si Sandoval ang isa sa mga Doberman ni Supt. Bob Villanueva, ng RISOO? Kasi nga itong sina Sandoval, Noel de Castro at Pancho ang ginagamit ni Villa-nueva para mangolekta ng lingguhang intelihensiya sa mga gambling lords lalo nat bukas na sa ngayon ang jueteng.
Mukhang nagpapalawak pa ng kalakaran sina Sandoval, De Castro at Pancho ah? Kung sabagay, marami akong kausap sa Manila Police District na nagsasabing nagyayabang sina Sandoval, De Castro at Pancho na sila ang gagamitin ni Rosales na kolektor kapag nabasbasan siya ni Mayor Joselito Atienza bilang MPD director. Kung sa SPD na si Rosales, aba ibig bang sabihin nito, sinusundan din siya ng tatlong Doberman? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended