Patas ang batas!?
December 6, 2006 | 12:00am
KUDOS kay Nicole! Hindi man maibabalik ang kasariwaan ng buhay, malaki pa ring ginhawa ang mabigyan ng hustisya. Hindi biro ang pinamalas na tapang ni Judge Benjamin Pozon sa pagbaba ng makasaysayang hatol. Napakalaki ng nakataya sa resulta ng kaso. Sa mata ng iba, ultimo independence ng bansa sa Amerika ang nakasalalay. Subalit nakatutok man ang mata ng Amerika at Malacañang, hindi nagdalawang isip si Judge Pozon. PATAS ANG BATAS! Kung hindi niya ito kinatigan, para na ring ni-replay ang paghalay at hindi lang si Nicole ang biktima kundi pati na rin ang sistema ng hustisya sa bansa. Mga katulad ni Judge Benjamin Pozon ang magbibigay-buhay sa ating judicial system na tuloy pa ring inuulan ng kontrobersiya.
Tulad na lang nang hindi matapos na usapin sa paghirang ng bagong Chief Justice. Binasura ng Judicial and Bar Council (JBC) ang nominasyon ni Sen. Miriam Defensor Santiago, ang tanging sumipot at nagpakita ng respeto sa puwestong hinahabol nilang lahat. Matapos i-anunsyo ng JBC na ang hindi sumipot sa public interview ay disqualified - ang nangyari ay kung sino ang sumunod sa Rules, siya pa itong initsa puwera. Sa tingin nyo bay may sisipot pa ngayon sa interview sa mga aplikante sa pagka-judge?
Sabi ng ibay hindi raw dapat isailalim sa panayam ang mga Justice dahil hayag na ang kanilang mga paniniwala sa kanilang mga naisulat na desisyon. Subalit ang punto ay ito: May patakaran. At sa kanilang pakiwari - exempted sila sa patakaran. Kung ganoon ang sentimyento ng mga nominado, wala tayong magagawa. Ang JBC sana, may magagawa. Pero imbes na parusa, gantimpala pa ang isinukli. PATAS ANG BATAS? Ang dami sanang matatanong tulad ng "Naniniwala ba kayong dapat panagutan ng Supreme Court sa Kongreso ang JDF (Judiciary Development Fund)?" Muntik mag-collapse ang bansa nung minsang nag-umpugan ang Supreme Court at Kongreso rito. Ang Judiciary ang tanging sangay ng pamahalaan na hindi dumaan sa eleksyon. Mahalaga sa bayan na kahit papaanoy buksan sa atin ang proseso sa kanilang paghirang.
JUDGE POZON - GRADE: 93*
JBC - GRADE: 73

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest