EDITORYAL - Tagumpay ng ginahasang Pinay
December 6, 2006 | 12:00am
HINDI sumuko si "Nicole" sa pakikipaglaban sa Amerikanong nanggahasa sa kanya noong Nov. 1, 2005. At matamis ang naging bunga ng kanyang paglaban. Hinatulan na ang nanggahasa sa kanya. Sabi ni Nicole makaraang hatulan si Lance Cpl. Daniel Smith nang 40 taong pagkabilanggo, "Mabait sa akin ang Diyos sapagkat dininig niya ang aking panalangin. Salamat din kay Judge Pozon. Maraming salamat!"
Isang taong nakipaglaban si "Nicole" bago nalasap ang tamis. Maituturing na maikli ang panahong ipinaghintay ni "Nicole" lalo pat ang sangkot sa kaso ay Amerikano. Karaniwan nang kapag maimpluwensiya ang isinasakdal, inaabot nang napakatagal bago madesisyunan ang kaso. Inaagiw na bago pa mabigyan ng hustisya at kug minsan ay hindi na.
Maligaya na si "Nicole" kahit si Smith lamang ang nahatulan at ang tatlong sundalong kasama sa oras ng panggagahasa ay napawalang sala. Agad na dinala sa Makati City Jail ang Amerikanong rapist samantalang ang tatlong naabsuwelto ay lumipad na patungong Okinawa, Japan.
Maraming luha ang naubos kay "Nicole" sa loob ng isang taong paghihintay sa desisyon ng kaso. Ang akala niya, masasayang ang luha. Hindi pala sapagkat dininig ng Diyos ang dalangin.
Ang pagkakakamit ni "Nicole" ng hustisya ay palatandaang gumagalaw ang batas sa bansa. Hindi natutulog ang hustisya at makakamit ito ng mga naaapi. Makaraang mahatulan ang Amerikanong si Smith, marami ang nagsabing bumalik ang kanilang tiwala sa justice system sa bansa.
Tagumpay ang pakikipaglaban ni "Nicole" at nagawang maipakulong ang dayuhang lumugso sa kanyang puri. Sana ay katulad din ni "Nicole" ang iba pang mga Pinay na inaabuso. Hindi dapat manahimik sa sinapit kundi ipagpatuloy ang pakikipaglaban para makamit ang katarungan.
Maraming Pinay ang pinipiling manahimik na lamang sa kaapihang dinanas subalit sa ginawa ni "Nicole" magsisilbi siyang modelo para lumantad ang marami pang inilugso rin ang puri. Hindi dapat isuko nang ganoon na lamang ang masasakit na dinanas lalo pat sa isang dayuhan.
Marami pang Pinay na inaabuso at nilalapastangan sa kasalukuyan pero natatakot. Ngayon ang tamang panahon para lumantad at lumaban sa mga nang-aabuso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended