Ang kumpisal ng isang Manunulat ng malaswang diyaryo sa BITAG
December 4, 2006 | 12:00am
Matapos maipalabas sa BITAG ang reklamo ni Alma, isang modelo ng malaswang diyaryong Sagad, isang dating manunulat ng nasabing malaswang diyaryo ang dumulog sa BITAG.
Si Gilbert na sa unang tingin ay hindi mo aakalaing isa siyang manunulat ngunit nagulat ang BITAG ng ipamalas niya ang kanyang kakaibang husay sa pagsulat.
Sa harapan mismo ng aming computer, ipinakita niya sa BITAG ang kanyang husay sa pagsulat at sa loob la-mang ng limang minuto ay nakabuo siya ng isang istorya.
Tuwing nakakatapos siya ng kanyang "masterpiece" hindi siya makapaniwala na siya ang lumikha niyon.
Ikinumpisal niya sa amin na siya ay itiniwalag sa nasabing diyaryo matapos makuha ang kanyang kakaibang estilo sa pagsusulat.
Unti-unti na namin siyang nakapa at nakitaan ng husay sa pagsulat, yun nga lang, pawang mga kamunduhan ang kanyang mga likha.
Inamin ni Gilbert sa BITAG na hindi madali ang maging manunulat ng isang malaswang diyaryo.
Sa mga internet café madalas siyang nagsusulat at kinakailangan na walang maiiwang bakas o ebidensya. Lahat ng kanyang kilos dapat kalkulado para hindi mabuko o mahuli.
Hindi nya maunawaan ang mga nangyayari sa kanya na sa twing nakakatapos siya ng isang maniobra, pagsapit ng gabi siya ay nakakapanaginip ng isang babaeng ginagahasa. Kung kayat ito ang nagtulak sa kanya upang dumulog sa tanggapan namin.
Ipinanood din ng BITAG kay Gilbert ang ginawang segment tungkol sa modelong si Alma.
Dito nakaramdam ng awa si Gilbert sa nasabing modelo na nagamit ng sindikato ang litrato ng dalaga na kumalat sa malaswang diyaryo na pinagsusulatan niya noon.
Pinangako ni Gilbert sa BITAG na pakikiusapan niya ang sinasabing namamalakad ng malaswang diyaryo na si Mr. E.
Susubukan daw niya na maipatanggal ang larawan ni Alma sa nasabing pahayagan bagamat magiging mahirap ito.
Sa nakikita ng BITAG, maliban kay Alma,si Gilbert man ay ginamit din ng sindikatong nagpapatakbo sa malaswang diyaryong ito.
Panoorin sa darating na Sabado ang kabuuan ng kumpisal ni Gilbert sa BITAG.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am