^

PSN Opinyon

Mag-ingat kapag sobra na ang katabaan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
AYON sa Department of Health, mas marami ngayon ang mga batang sobra ang taba (obese). Anila, hindi ito dapat ipagwalambahala.

Karaniwan nang marami ang natutuwa at nanggigigil sa mga batang matataba. Hindi nila pansin kung lumobo ang mga bata at maging lumbalumba. Merong mga batang matataba na tinutuksong parang pinakawalan sa kusina.

Maraming ina naman na ayaw awatin ang sobrang appetite sa pagkain ng anak at natutuwa pa kung malakas silang lumapang at hindi na baleng maging bariles ang katawan.

May mga batang matataba na ayaw nang maglaro at mas gusto nilang magbabad sa computer habang kumakain ng chocolate at pastries. Dahil sa nakaupo lang sila hindi masyadong natutunaw ang kanilang kinain, lalo na nga ang excess fats. Hindi sila pinagpapawisan. Wala silang exercise. Maraming pinsala ang obesity na humahantong sa cardiac arrest.

Dapat na mag-exercise ang mga obese at kumain ng mga prutas at mabeberde at madahong gulay gaya ng kangkong at talbos ng kamote. Iwasang kumain ng masesebo at maaalat.

Ang pinakuluang dahon ng banaba ay mainam na inumin para gumanda ang daloy ng dugo at naaalis ang bara dahil sa taba.
* * *
Alam n’yo bang ang mga matatabang lalaki ay nagkakaroon ng hormonal imbalance?

Ayon sa pag-aaral, nababawasan ang kanilang sperm count at dahil dito, hindi agad nila nabubuntis ang kanilang asawa. Hindi agad sila nagkakaanak. Batay pa rin sa pag-aaral, ang mga lalaking mataba ay maliit ang ari at mahina ang kanilang sexual performance. Hindi sila agresibo sa pagtatalik na hindi katulad ng mga payat o slim ang katawan.

ALAM

ANILA

AYON

BATAY

DAHIL

DAPAT

DEPARTMENT OF HEALTH

MARAMING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with