^

PSN Opinyon

Kampanya laban sa AIDS

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
(Unang Bahagi)
SA report kamakalawa sa mga pahayagan, tinatayang nasa 25 milyong katao na sa buong mundo ang namamatay dahil sa Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Dito sa Pilipinas ay dumarami na rin ang nabibiktima ng sakit na ito at patuloy pa ang pagdami ng insidente. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang natutuklasang gamot laban sa AIDS.

Ang taong may AIDS ay karaniwang kakikitaan ng depression. Ang mga sintomas ay kinabibilangan ng pagbaba ng timbang, nagsusuka, nagtatae at madaling magkaroon ng infection. Madali siyang mahawa ng kahit karaniwang sipon at ubo lamang. Mahina ang katawan kaya madaling magkaroon ng infection.

Sinasabi ng mga specialist na maraming approach para ma-manage ang mga sintomas at ang mga ito ay ang nutritional support at behavioral therapy kabilang ang prescriptive medication.

Kapag nagkaroon ng Human Immune Deficiency Virus (HIV) (ito ang virus na nagiging daan sa pagkakaroon ng AIDS) unang pinakamahirap na mararanasan ay ang walang kakayahang mag-digest at i-absorb ang pagkain. Ito ang dahilan kaya namamayat, nagkakaroon ng depression, nasisira ang organ ng katawan at pati mga muscle. Nahihirapan ding tanggapin ang mga ibinibigay na gamot sa katawan.

Kailangan ang mahusay na nutrition kapag may AIDS. Sa pamamagitan nito maaaring labanan ang sakit. Magsimula sa tamang attitude tungkol sa mga pagkain. Begin eating with a healthy approach and plan ahead for convinience. You may even cook meals ahead and then freeze them. Get the most out of your meals and carefully select food and supplements for vitamins and mineral content.

Maaaring subukan ang liquid nutritional supplements. Kapag kakain ng mga prutas at gulay hugasang mabuti. Ganoon din naman kapag magluluto ng karne o isda. Huwag magluluto ng mga pagkaing sobra ang amoy. Kung merong sugat sa labi, iwasan ang mga acidic, spicy at crunchy na pagkain. Uminom nang maraming tubig. Iwasan ang mga fiber food.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACQUIRED IMMUNE DEFICIENCY SYNDROME

DITO

GANOON

HANGGANG

HUMAN IMMUNE DEFICIENCY VIRUS

HUWAG

KAPAG

UNANG BAHAGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with