^

PSN Opinyon

Paninikip ng dibdib at ang nakahahawang Hepa-B

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KUNG nahihirapan ka sa paghinga o nagsisikip ang iyong dibdib baka may diperens’ya ka sa puso. Kadalasang ang mga nahihirapang huminga o nagsisikip ang dibdib ay mga tumatanda, lalo na ang mga may diabetes.

Kapag mataas ang cholesterol level dapat magpatingin sa cardiologist. Ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol ay risk factor sa sakit sa puso. Dapat sumailalim sa ECG para makita kung may lamat ang puso.

Mabisang paraan para malaman kung grabe ang chest pain ay ang pag-exercise sa threadmill. Malalaman din dito kung may bara ang mga ugat sa puso kaya nahihirapang huminga.
* * *
Delikadong mahawa kapag nakipag-sex sa may Hepatitis-B. Batay sa pag-aaral ang Hepa B ay madalas na nakukuha sa sexual intercourse at sa mga karayom na ipinang-iineksiyon lalo na kapag kinukunan o sinasalinan ng dugo. Dapat ay bago at malinis ang karayom na ginagamit sa pagkuha at pagsasalin ng dugo.

Ipinapayo na dapat na magkaroon ng healthy lifestyle at iwasan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, pagdodroga at ang multiple sexual relationship. Ipinapayo rin ang pagkain ng wasto magpa-check up ng regular sa doctor.

BATAY

DAPAT

DELIKADONG

HEPA B

HEPATITIS-B

IPINAPAYO

KADALASANG

KAPAG

MABISANG

MALALAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with