^

PSN Opinyon

NAIA-3 babayaran tulad ng nuke plant

SAPOL - Jarius Bondoc -
MATATAPOS na sa wakas ang maaksayang bayarin sa Bataan Nuclear Power Plant. Ang inilaan sa 2007 budget na P2.5 bilyong bayad-utang ay huling hulog na ng bansa sa P120-bilyong planta na hindi naman nagamit. Pero masaklap, may papalit sa BNPP na mas mahal na white elephant na paghihirapan bayaran ng ilan pang henerasyon: Ang NAIA Terminal-3.

Maraming pagkakatulad ang BNPP at NAIA-3. Una, pareho silang overpriced. P600 milyon lang ang BNPP nu’ng pinlano nu’ng 1974, pero lumobo sa $2.3 bilyon, halos apat na beses, nang maitayo nu’ng 1984. Ang NAIA-3 pinangako ng Piatco na itatayo sa halagang $272 milyon. Pero ngayon pinalalabas nito na $656 milyon ang nagastos, bukod pa ang $425 milyon na kinukubra ng ka-partner na Fraport, sa 97% pa lang na nayari. May kulang pang bayaring $100 milyon sa general contractor Takenaka.

Parehong depektibo ang dalawang gusali. Sa BNPP mahigit 4,000 na nga ang construction flaws, nakaupo pa sa earthquake fault at 9 km mula sa bulkan, kaya hindi na in-operate. Nasa 2,000 lang ang palpak sa NAIA-3 pero malala rin. Walang flood control, mahina ang escalators at baggage carousels, manipis kaya maaring sumabog sa jet stream ang glass windows, at gumuho na ang kisame bago pa man mabuksan ang facility. Ito’y dahil winalanghiya ng Piatco ang pag-subcontract ng mga pagawa. Kinikilan lahat ng builders at suppliers nang komisyon, kaya naging low quality ang equipment at trabaho. Delikado tuloy gamitin ang terminal.

Parehong pinabayaran ng babaing presidente sa publiko ang BNPP at NAIA-3. Si Cory Aquino nu’ng 1986 tinaguyod ang inutang ni Marcos na pambayad sa Westinghouse sa pagtayo ng BNPP. Nalustay tuloy ang P120 bilyon imbis na nagamit sa edukasyon, sakahan o kalusugan. Si Gloria Arroyo na dineklarang maanomalya ang NAIA-3 – kinatigan pa ng Senado at Korte Suprema – ganado bayaran ang Piatco, Fraport at Takenaka para sa maruming kontrata at depektibong trabaho. Nagbigay na ng P3 bilyon ang Malacañang, at handang magbayad pa ng kabuuang $1.2 bilyon (P59 bilyon) para sa tatlong nanloko sa bayan.

BATAAN NUCLEAR POWER PLANT

BNPP

FRAPORT

KORTE SUPREMA

PAREHONG

PERO

PIATCO

SI CORY AQUINO

SI GLORIA ARROYO

TAKENAKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with