BI, underfire
November 30, 2006 | 12:00am
Sangkatutak daw kasi ang mga foreign nationals na pumasok sa Pinas na may fake visas alaws makitang record sa BI kahit kalkalin ang names nila. Ika nga, nakakuha pa ng mga Temporary Residence Visas o Permanent Residence Visas. May evidence si Ace. Isang Atty. Caluya raw ang ikinanta ni Ace. Sabi nga, only in the Philippines!
Inihalimbawa ni Ace ang nangyari sa World Trade Center noong Sept. 11 kung saan nakita ng madlang people sa buong mundo ang ginawa ng mga terorista sa Tate. Sangrekwa ang namatay todits.
Gusto pa ba natin mangyari ito sa Pinas?
Hindi rin nakakapagtaka sabi ni Ace kung bakit may mga foreign terrorist ang nakapasok sa bansa tulad nina Fathur Roman Al-Ghozi, ang utak sa Rizal bombing. Si Sheik Mohammad, ang plotter sa assassination ni Pope John Paul II at VoVan Duc, ay pawang nasungkit ng mga authorities sa Pinas.
Ika nga, hindi nakakapagtaka kung bakit sila naka-enter sa Philippines my Philippines.
Marami pang foreign terrorists ang dehins namamalayan na nandito sa Pinas at ginagawang training ground at jump-off point ang ating Mother Land para maghasik ng kaguluhan kung hindi man ay sa ibang bansa ito gumagawa ng kagaguhan. Kaya ang tanong ni Ace ay kung ligtas ba tayo sa mga kamote.
Hindi mabilang na Indian nationals ang nakakapasok sa NAIA at sa Cebu International Airport kahit na may directive ang DFA restricting the entry nila. Sabi nga, mahigpit ang utos DFA!
May mga top brass officials sa BI ang sinasabing nagpatayo ng mga mansion sa Ayala Alabang, Quezon City, Tagaytay at La Vista. Ito ngayon ang pinaiimbestigahan ni Ace.
Kapos ang column ng Chief Kuwago, sabi ng kuwagong urot.
Papangalanan natin next issue ang mga BI officials na sinasabi ni Ace, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Abangan ang part 2 kamote!"
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended