^

PSN Opinyon

Utak sa meat fiasco ibubulgar ng NBI

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ANUMAN oras mula ngayon bubukuhin ng taga-NBI ang mga nagsabwatang bugok sa Bureau of Customs regarding sa pagkawala ng mga imported frozen meat from China worth P10 million. Sabi nga, Lord, makulong sana sila!

Ang mga smuggled frozen meat ay sinasabing infected ng foot and mouth disease. Kung saan ang mga karne ang mga gago lang ang nakakaalam. Ika nga, puwedeng gina- wang hamon, tocino, longganisa, tapa et cetera. Panghabol sa Pasko.

May ipinalabas ng circular ang Department of Agriculture sa nasabing karne na bawal itong ikalat sa Pinas baka matsibog ng madlang people. Ika nga, may sakit kasi!

Sa isang lugar sana sa Guagua, Pampanga susunugin at ililibing ang karne pero maraming taga-roon ang pumalag kasi baka magkasakit sila. Ibinalik ang apat na contrainer van sa BOC from Pampanga pero nang buksan ito para sa isang inventory ilang araw matapos dalhin sa paglilibingan nadiskubre na halos 80 porsi- yento ng frozen meat ang naubos na. Ika nga, ninakaw.

Sangkatutak ang mga bugok sa bureau ang praying ngayon sa Lord dahil isa-isa silang masusungkit ng NBI sa ginawa nilang kawalanghiyaan. Sabi nga, sorry Lord!

Tiyak maraming bugok ang maghuhugas kamay todits at turuang umaatikabo ang mangyayari para makaiwas sa pagkakakulong. Lagot kayo ngayon. Bhe buti nga!

Sa paniwala ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkaterba ang masasabit at sana ikanta ng mga bugok ang bossing nila para naman mawala na ito sa mundo. He-he-he!

‘‘Paano ngayon kung makain ang karne?’’ tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Ok lang mura naman ang bili,’’ sagot ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Hindi ba magkakasakit ang makakakain nito?’’ tanong ng kuwagong haliparot.

‘‘Doctor lang ang makakapagsabi niyan,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Sana ang mga pamilya ng mga tumira sa karne ang makakain.’’

‘‘Huwag naman tao rin sila.’’

‘‘Paano ngayon?’’

‘‘Iyan kamote ang problema.’’

BHE

BUREAU OF CUSTOMS

CRAME

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GUAGUA

IKA

PAANO

PAMPANGA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with