Pag-ahon sa putikan
November 28, 2006 | 12:00am
ISA sa mga inihain kong panukalang batas sa Senado ay ang SB 2465 na ang layunin ay bigyan ng permanenteng solusyon ang problema ng ating lipunan sa prostitusyon at sexual exploitation hindi lamang sa hanay ng kababaihan, kundi maging sa mga bata at kalalakihan man.
Tulad ng aking naisabatas na panukala, ang RA 9262 (Violence Against Women and Children Act of 2004), na aking ikinatutuwa ay epektibo na ngayong nagagamit ng ating mga non-government organizations, DSWD at mga law enforcement agencies laban sa mga abusado sa mga kababaihan at kabataan, comprehensive din ang SB 2465.
Tulad ng RA 9262, magbibigay proteksyon din ang SB 2465 sa mga biktima ng prostitusyon, sexual exploitation at child and women trafficking for the purpose of sexual exploitation (white slavery); mabigat ang kaparusahan sa mga lalabag sa ating panukalang batas (up to 20 years imprisonment).
Higit sa lahat, bibigyang pagkakataon ko ang lahat ng biktima at ayaw na sa ganitong uri ng hanapbuhay, na muling makabalik sa mainstream society (rehabilitation and re-integration program), kung saan kahit sa aking panukalang National Anti-Prostitution Council (NAPC), ay kasama sila. Ang NAPC ay pumumunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang pagkilala sa mahalagang papel ng departamento sa pagwawasto ng mga suliraning may kinalaman sa ating lipunan.
Maaaring maitanong ng readers kung bakit binibigyang halaga ko ang naturang isyu? Una kasi ay ang aking pagkilala na tayo lahat, ano man ang estado sa buhay, ay may mga basic rights at dignidad bilang tao na dapat kilalanin at irespeto ng sinuman saan mang panig ng mundo.
Panahon na rin upang wakasan ang patuloy na pagsasamantala sa hanay ng ating mga sex workers na biktima na nga ng kanilang mga partikular na sitwasyon sa buhay ay patuloy pa ring binibiktima ng ilang mga tagapagpatupad ng batas gamit ang mga probisyon nito na hindi na umaakma sa umiiral na kondisyon ngayon at inakda sa panahong walang pagkilala sa karapatan ng mga taong nasadlak sa prostitusyon.
Kaya nga, sa aking panukala, buburahin na sa Revised Penal Code ang Article 202 (definition of prostitution) at Article 341 (definition of white slavery) dahil sa paniwala kong hindi na ito tugma sa kondisyong umiiral ngayon at nagagamit pa upang patuloy na pagsamantalahan ang mga sex workers na karamihan ay galing sa hanay ng mga mahihirap nating kababayan.
Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo pub- liko. Maari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o sumulat sa aking tanggapan sa Room 202, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.
Tulad ng aking naisabatas na panukala, ang RA 9262 (Violence Against Women and Children Act of 2004), na aking ikinatutuwa ay epektibo na ngayong nagagamit ng ating mga non-government organizations, DSWD at mga law enforcement agencies laban sa mga abusado sa mga kababaihan at kabataan, comprehensive din ang SB 2465.
Tulad ng RA 9262, magbibigay proteksyon din ang SB 2465 sa mga biktima ng prostitusyon, sexual exploitation at child and women trafficking for the purpose of sexual exploitation (white slavery); mabigat ang kaparusahan sa mga lalabag sa ating panukalang batas (up to 20 years imprisonment).
Higit sa lahat, bibigyang pagkakataon ko ang lahat ng biktima at ayaw na sa ganitong uri ng hanapbuhay, na muling makabalik sa mainstream society (rehabilitation and re-integration program), kung saan kahit sa aking panukalang National Anti-Prostitution Council (NAPC), ay kasama sila. Ang NAPC ay pumumunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang pagkilala sa mahalagang papel ng departamento sa pagwawasto ng mga suliraning may kinalaman sa ating lipunan.
Maaaring maitanong ng readers kung bakit binibigyang halaga ko ang naturang isyu? Una kasi ay ang aking pagkilala na tayo lahat, ano man ang estado sa buhay, ay may mga basic rights at dignidad bilang tao na dapat kilalanin at irespeto ng sinuman saan mang panig ng mundo.
Panahon na rin upang wakasan ang patuloy na pagsasamantala sa hanay ng ating mga sex workers na biktima na nga ng kanilang mga partikular na sitwasyon sa buhay ay patuloy pa ring binibiktima ng ilang mga tagapagpatupad ng batas gamit ang mga probisyon nito na hindi na umaakma sa umiiral na kondisyon ngayon at inakda sa panahong walang pagkilala sa karapatan ng mga taong nasadlak sa prostitusyon.
Kaya nga, sa aking panukala, buburahin na sa Revised Penal Code ang Article 202 (definition of prostitution) at Article 341 (definition of white slavery) dahil sa paniwala kong hindi na ito tugma sa kondisyong umiiral ngayon at nagagamit pa upang patuloy na pagsamantalahan ang mga sex workers na karamihan ay galing sa hanay ng mga mahihirap nating kababayan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest