^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Paglubog ng mga barko naghahatid-takot na naman

-
KUNG hindi nagbabanggaan ay overloading ang karaniwang dahilan kaya may mga lumulubog na barko. At masaklap kung ang nagbanggaang dalawang barko ay punumpuno nang maraming pasahero. Mas marami ang mamamatay kung overloading ang barko. Ang pinaka-malagim na trahedya sa barko sa Pilipinas ay nangyari noong Dec. 20, 1987 kung saan ang barkong M/V Doña Paz ay nakabanggaan ang oil tanker na M/T Victor sa may malapit sa Or. Mindoro. Mahigit 4,000 ang namatay. Marami pang humihingi ng hustisya sa nangyaring paglubog. Sumunod na taon, lumubog naman ang Doña Marilyn malapit sa Leyte at 300 katao ang namatay. Ang nasabing barko ay sister ship ng Doña Paz.

Marami pang nangyaring paglubog at maraming namatay. Karaniwang dahilan nang paglubog ay dahil sa overloading. Marami rin namang isinagawang imbestigasyon sa mga nangyaring paglubog subalit wala ring nangyari. Sa simula lamang naging masigasig ang pamahalaan subalit nang tumagal ay wala nang nangyari. Naghihintay pala sa wala ang mga naulila ng biktima. Kagaya ng Doña Paz na marami pa rin ang naghihintay ng hustisya sa kaanak nilang napasama sa trahedya.

Ngayon ay nagsisimula na naman ang trahedya sa barko at marami na naman ang nagkakaroon ng takot. Kabilang sa mga natatakot ay ang mga bumibiyahe sa malalayong probinsiya na ang tanging paraan para makarating doon ay ang sumakay sa barko. Mas nakatitipid kung sa barko sasakay. Sa susunod na buwan ay panahon nang pagdagsa patungong probinsiya at marami rin naman ang lumuluwas ng Maynila para idaos ang Pasko. Tiyak na mapupuno na naman ang mga barko. Aapaw na naman sa mga pasahero.

Noong Sabado, isa na namang barko ang lumubog at 16 katao ang namatay. Lumubog ang barko sa Hinatuan Island, Surigao City. Bukod sa 16 na namatay, nawawala pa ang 17 iba pa. Kabilang sa nawawala ay isang mayor.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon sa tunay na dahilan nang paglubog. Umano’y overloading ang dahilan. Nagtataka ang mga imbestigador kung bakit 47 lamang ang nasa manipesto gayong 66 na ang naililigtas.

Imbestigasyon na namang katakut-takot ang magaganap sa paglubog na ito pero hanggang saan.

BARKO

HINATUAN ISLAND

KABILANG

MARAMI

NOONG SABADO

PAZ

SURIGAO CITY

T VICTOR

V DO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with