^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Re-training ng airport security nararapat na

-
ISA ang airport na dapat sumailalim sa mahigpit na seguridad. Ngayong matindi ang banta ng mga terorista na maghahasik ng lagim, dapat ay hindi lamang doble kundi triple ang pagbabantay sa lahat ng airport sa bansa.

Pero sa nangyayari ngayon sa ilang domestic airport sa bansa na ang mga security personnel ay nalulusutan ng mga kahina-hinalang bagay, dapat na silang isailalim sa training. Hindi dapat magbantay sa airport ang ilang "walang kamuwang-muwang" na sekyu at baka malagay sa peligro ang mga pasahero.

Mga buhay na ahas at bayawak ang nailusot sa Bacolod airport noong Martes at nadiskubre lamang ang mga endangered species na ito nang makita sa x-ray machine sa Ninoy Aquino International Airport. Katwiran ng dalawang walang muwang na airport security sa Bacolod, hindi gumagalaw ang ahas sa loob ng bote. Akala raw nila ay stuffed ang mga ahas kaya pinalampas nila. Owww?

Malaking peligro sa mga pasahero ng eroplano kung ang ahas o bayawak ay nakalabas sa kanilang kinalalagyan. Magpapanik ang mga pasahero at malamang na magkaroon ng aksidente sa loob ng eroplano. Maaaring may himatayin sa takot o atakehin sa puso kung ang mga ahas ay gumapang sa kanilang upuan at tuklawin sila sa binti.

Ayon sa report, isang babaing nagngangalang Erlinda Vergara na patungong Thailand ang magpupuslit ng mga ahas at bayawak. Ang mga ahas ay nakalagay sa plastic container samantalang ang mga bayawak ay may saping diapers.

Dalawang linggo na ang nakararaan, mga "baby buwaya" naman ang nasabat habang ipapasok sa bansa. Nakalagay sa sports bag ang mga "baby buwaya". Mabuti at alerto ang mga security sa airport.

Mabuti na lang at bayawak, ahas at buwaya ang nakalalampas sa airport security at hindi bomba. Kung bomba, malaking takot na naman ang malilikha. Mag-aatrasan na naman ang mga negosyante.

Hindi raw napansin ang mga ahas sapagkat hindi gumagalaw. Nagpapakita lamang ito na walang sapat na kaalaman ang ilang security personnel sa Bacolod airport at nararapat isailalim sa training. Hindi dapat manatili sa airport ang mga walang kakayahang mga sekyu. Paigtingin ang pagbabantay lalo ngayong palapit na nang papalapit ang Pasko.

vuukle comment

AHAS

AIRPORT

AYON

BACOLOD

DALAWANG

ERLINDA VERGARA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with