Tinamo niya ito nang sakmalin at kagatin siya ng isang malaking aso ng kanilang kapitbahay sa Lagro Quezon City.
Dagdag pa ni Vicente, panglima siya sa mga biktima ng aso ng kanilang kapitbahay na si Edgar Sanchez.
Kaya naman ganun din ang pangamba ng mga residente sa kanilang lugar dahil sa dami na ang naging biktima ng aso ni Sanchez.
Sa halip na tulungan maipagamot si Vicente, pinabayaan lamang siya ng may-ari, kayat sa BITAG siya humingi siya ng saklolo.
Kilos prontong inaksyunan ng BITAG at tinungo namin ang City Health Office ng Quezon City sa pamumuno ni Chief Veterinarian, Dra. Ana Maria Cabel.
Dito isinaad niya sa amin ang ordinansa na may pananagutan ang may-ari sa mga gastusing medikal ng biktimang nakagat ng aso.
Kinakailangan din sagutin ng may-ari ng aso ang nawalang kita niya sa kanyang trabaho buhat ng tinamong sugat.
Kinakailangan din daw kumpiskahin ang asong tulad nito upang tuluyan nang patulugin.
Kasama ang City Health office agad tinungo ng BITAG ang sinasabing bahay ni Edgar Sanchez ang may-ari ng kontrobersyal na aso.
Nakipag-ugnayan din ang grupo sa barangay Greater Lagro na nakakasakop sa lugar.
Sa una, ayaw pa ng may-ari na si Edgar na ibigay ang kanyang aso, dahilan niya nakatali na raw ito, pero hindi umubra ang kanyang rason.
Dinala ang kanyang aso sa dog pound ng barangay Greater Lagro.
Dito pansamantalang mamamalagi ang aso habang hinihintay kung tuluyan nang patutulugin ang aso.
Panoorin bukas ng gabi ang buong detalye sa isinagawang aksyon ng BITAG sa kasong ito.