EDITORYAL - Kapag nabilanggo ang sikat at maykaya sa buhay
November 24, 2006 | 12:00am
HINDI parehas ang pagtrato sa mga bilanggo sa bansang ito. Kung mahirap ang bilanggo, doble o triple ang hirap. Kung maimpluwensiya, maykaya at sikat, masuwerteng tiyak sapagkat makararanas ng sarap habang nakabilanggo. Kapag nabilanggo ang mahihirap impiyerno ang katulad. Malayung-malayo ang katayuan nila sa maykaya sa buhay. Lubhang kawawa ang mahirap na nasa kabila ng rehas.
Ang ganitong senaryo ay nakikita ngayon. Dalawang malalaking pangalan ang nakakulong sa kasalakuyan sina Gringo Honasan at Atong Ang.
Nadakip si Gringo sa isang subdivision sa Quezon City. Nagtangkang tumakas at nasugatan ang paa nang tumalon sa pader. Si Gringo ay dating senador at sundalo na naugnay sa maraming tangkang pag-agaw sa gobyerno. Maraming kudetang ginawa sa gobyerno ni Cory Aquino at sa administrasyon ni Gloria Arroyo. Iniugnay siya sa Oakwood mutiny at February 2006 na tangkang kudeta. Nagtago siya ng siyam na buwan.
Si Atong ay presidential adviser at buddy-buddy ni dating President Estrada. Nakunan siyang nagsusugal kasama si Erap noong 1998. Tumakas ilang araw makaraang bumagsak si Erap noong January 2001. Katulad ni Erap at iba pa, pandarambong din ang ikinaso kay Atong. Ilang taon din ang inilagi ni Atong sa United States bago na-extradite.
Pareho nang nakakulong sina Gringo at Atong. At kahit na nga nasa bilangguan, patuloy silang sinusundan ng media. Mga sikat kasi. May kaya at maimpluwensiya. At iyon ang kaibhan nila sa mga karaniwan o maliliit na bilanggo. Nakikita ang pagkakaiba ng maykaya sa mahihirap. Kahit sa klase ng bilangguan, kaiba sila.
Si Gringo ay nasa Fort Sto. Domingo at bagamat walang nakaaalam kung anong itsura ng kanyang kulungan sapagkat ipinagbabawal sa media ang pagkuha ng picture, nakatitiyak na mas kompor-table siya kaysa mga bilanggong nasa city jail. Tiyak na may electric fan o aircon si Gringo.
Nasa Bicutan jail naman si Atong at hindi na maitatanggi na nakahihigit siya sa ibang bilanggo. Sa kanyang selda ay may tatlong electric fan, television, may I-Pod, may sariling comfort room at umanoy mayroon pang kasamang "muchacho" sa loob.
Mas kumportable ang dalawang kilalang bilanggo kaysa mga bilanggong nasa city jails na parang sardinas sa dami at nagkakahawahan ng sakit. Nakakatulog nang mahimbing sina Gringo at Atong samantalang ang mga bilanggo sa jail ay may eskedyul ang tulog at ang iba ay nakatayo kung matulog dahil walang espasyo.
Iba talaga ang kilala at maykaya kapag nabilanggo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended