Rewind sa 1966. Top 3 na karerang pangarap ng magulang: Doktor, abogado, arkitekto. Hindi na maibabalik ang ganung panahon. IBA NA ANG MUNDO. Madali nang kumita sa kursong hindi kailangan ng ekstrang pag-aaral na mabigat sa bulsa at matakaw kung hindi buong pusot kaluluwa para sa ating lahat. SI MANNY ANG SIMBOLO NG PILIPINO SA MUNDO. Hindi kataasan, hindi kalakihan, hindi kaguwapuhan. Pero lumalaban. Ganyan ang Pinoy! Maging milyones man o pambansang kahihiyan ang nakataya, taglay ang hindi matatawarang determinasyon at walang hangganang lakas ng loob upang magtagumpay. No pressure!
Ang tawag sa pressure shot sa basketball ay the Money shot. Congratulations Money Pacquiao! Congrats din sa B.I.R. at may uwi na namang premyo (neto nga ba ng P200 million?) na bubuwisan. Ok din itong si Mr. Pacquiao pataba na ng puso, pataba pa ng bulsa ng Pinoy!
MANNY PACQUIAO
Grade 100 + sa oras.
At sa mga karerang ito, WORLD CLASS ang Pinoy. Sa ibat ibang bansa, pinag-aagawan ang ating mga NURSE, TEACHER, ENGINEER, SEAMAN. Dati ratiy insecure ang Pinoy. Ngayon ay taas noo! At palabok sa tagumpay ng kababayan ang tatlong malaking pangalan na kinilalang pinakamahusay sa mundo sa kanilang mga karera.
MONIQUE LHUILLIER ng Cebu. Wala mang world championship ang pagdisenyo ng damit, kung kliyente ang sukatan (mga Hollywood stars!) ay maituturing siyang worlds best fashion designer. RONNIE ALCANO ng Calamba. Naisulat na ng REPORT CARD ang dating tambay na nampusoy sa International players sa World Poll Championship.
At si Manny PACQUIAO ng Dadiangas. Wala nang katapusang karangalan at kayamanan ang nakamit ng bata natin sa tuwing lalaban. PAMBANSANG KAMAO! At kahit minsay natatalo, kailanmay hindi kinahihi-ya ng bansa dahil bigay na bigay, hindi lang katawan