^

PSN Opinyon

Pambansang kamao

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
TOP 3 na Idolo ng Pilipino Ngayon? Ronnie Alcano, Monique Lhuillier at Manny Pacquiao. Nagmula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Hindi kataka-taka kung ang top 3 rin na karerang ambisyon ay BOKSINGERO, Mambibilyar o KOSTURERA. Malamang magulang pa mismo ang maghangad ng ganitong direksyon sa kanilang anak.

Rewind sa 1966. Top 3 na karerang pangarap ng magulang: Doktor, abogado, arkitekto. Hindi na maibabalik ang ganung panahon. IBA NA ANG MUNDO. Madali nang kumita sa kursong hindi kailangan ng ekstrang pag-aaral na mabigat sa bulsa at matakaw kung hindi buong puso’t kaluluwa para sa ating lahat. SI MANNY ANG SIMBOLO NG PILIPINO SA MUNDO. Hindi kataasan, hindi kalakihan, hindi kaguwapuhan. Pero lumalaban. Ganyan ang Pinoy! Maging milyones man o pambansang kahihiyan ang nakataya, taglay ang hindi matatawarang determinasyon at walang hangganang lakas ng loob upang magtagumpay. No pressure!

Ang tawag sa pressure shot sa basketball ay the ‘‘Money shot.’’ Congratulations ‘‘Money’’ Pacquiao! Congrats din sa B.I.R. at may uwi na namang premyo (neto nga ba ng P200 million?) na bubuwisan. Ok din itong si Mr. Pacquiao – pataba na ng puso, pataba pa ng bulsa ng Pinoy!

MANNY PACQUIAO

Grade 100 +
sa oras.

At sa mga karerang ito, WORLD CLASS ang Pinoy. Sa iba’t ibang bansa, pinag-aagawan ang ating mga NURSE, TEACHER, ENGINEER, SEAMAN. Dati rati’y insecure ang Pinoy. Ngayon ay taas noo! At palabok sa tagumpay ng kababayan ang tatlong malaking pangalan na kinilalang pinakamahusay sa mundo sa kanilang mga karera.

MONIQUE LHUILLIER ng Cebu. Wala mang world championship ang pagdisenyo ng damit, kung kliyente ang sukatan (mga Hollywood stars!) ay maituturing siyang world’s best fashion designer. RONNIE ALCANO ng Calamba. Naisulat na ng REPORT CARD ang dating tambay na nampusoy sa International players sa World Poll Championship.

At si Manny PACQUIAO ng Dadiangas. Wala nang katapusang karangalan at kayamanan ang nakamit ng bata natin sa tuwing lalaban. PAMBANSANG KAMAO! At kahit minsa’y natatalo, kailanma’y hindi kinahihi-ya ng bansa dahil bigay na bigay, hindi lang katawan

CALAMBA

MONIQUE LHUILLIER

MR. PACQUIAO

PILIPINO NGAYON

PINOY

RONNIE ALCANO

WALA

WORLD POLL CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with