Bagamat hindi ko pa nakakaharap ang mga opisyal ng naturang samahan sa pangunguna ni Ms. Beth Angsioco, kaisa nila ako sa kanilang magandang layunin.
Bilang prinsipal na awtor sa Senado ng naturang batas, ikinatutuwa ko naman ang ginagawang pagpapahalaga ng mga progresibong samahan ng kababaihan sa naturang batas at ang kanilang pagsisikap na maipaabot sa pinakamalaking bilang ng ating mamamayan ang nilalaman nito.
Kaya sa pamamagitan ng aking kolum, hinihikayat ko ang mamamayan, partikular na ang mga kababaihan, na bigyang pansin ang batas na aking inakda upang mabawasan, maiwasan at maparusahan ang mga gumagawa ng pang-aabuso sa loob ng tahanan (domestic violence) na ang karamihang biktima ay mga babae at kanilang mga anak.
Sa modernong panahon natin ngayon, hindi naman napakahirap na kumuha pa ng sipi ng RA 9262. Makukuha ito sa maski sa internet. I shall also instruct my staff to make sure that a copy of the law is always made available to the public.
Kaisa ako ng grupo sa paniniwala na karunungan ang susi upang makakuha ng kailangang gabay at lakas ng loob ang mga kababaihan at kabataan upang ipagtanggol at igiit ang kanilang mga karapatan.