Hustisyang pabor lang kay Honasan
November 21, 2006 | 12:00am
AMINADO ang mga pulis sa anomalya. Nang huhulihin daw sana nila si Ingrid Ramos kasama ang matagal nang nagtatagong Gringo Honasan, may tumawag at nakiusap na palayain ang babae. At sinunod nila ito.
Sino ang maimpluwensiyang iyon na tumawag sa pulis para baliin ang hustisya? Mas importante, bakit sinunod siya ng mga pinuno ng PNP Criminal Investigation and Detection Group?
Dito makikita ang dalawang pamantayan ng hustisya sa Pilipinas: isa para sa maliit at mahirap, isa para sa mayaman at makapangyarihan.
Dating Army colonel at senador si Gringo. Si Ramos, binabalitang girlfriend niya, ay may mga paupahang bahay sa Maynila at Cebu. Siyam na buwang nakapagtago si Gringo miski kilalang-kilala ang mukha; kakandidato pa nga muli para sa Senado sa halalang 2007 dahil sikat siya. Si Ingrid ay papaalis na para sa Amerika. Samantala, mahigit 700 militante na ang pinatay mula 2001 pero hindi malutas ng pulis.
Ganyan din ang pagkiling ng hustisya kay Atong Ang, mayamang manunugal na malapit kina dating Pangulong Joseph Estrada at Sen. Ping Lacson. Inutos ng Sandiganbayan na ipiit siya sa Quezon City Jail habang nililitis sa plunder, na iniwasan niya mula 2001 sa pagtatago sa Las Vegas. Pero nilabag ng Bureau of Jail Management and Penology ang utos. Inilipat si Ang sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City sa katwirang may banta sa buhay niya.
Abay ilan libong detainees ang nakakulong sa city jail na may banta sa buhay, pero maliliit at mahihirap na sakdal lang kaya doon nakasiksik? Pero si Ang, isinama pa ang pinsan sa loob ng piitan para may mautusan at mag-astang senyorito. Nagdala pa siya ng sariling papag at kutson, I-Pod at telebisyon. At kandarapa pa ang warden sa pagpapahiram ng bentilador. Sa magkanong halaga kaya, naiisip tuloy nating itanong?
At bakit nga ba nasa sariling rest house si Erap imbis na sa Taguig?
Lumiham sa [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am