Paano si Gringo noon, ganun pa rin ngayon
November 20, 2006 | 12:00am
ANANG mga peryodistang sumubaybay sa pagku- kudeta ni dating Army Col. Gringo Honasan, maraming pagkakapareho sa paghuli sa kanya nung 1987 at nitong nakaraang linggo.
Una na ang mapait na katotohanang ang mga tinangkang ibagsak ni Gringo ay mga babaeng Presidente, sina Cory Aquino at Gloria Arroyo.
Inaresto si Gringo matapos ang kudeta ng Agosto 1987, at ikinulong sa Navy ship sa Manila Bay. Kaso mo, kumampi sa kanya ang mga bantay na sailors, at itinakas siya nung 1988. Ma-charisma si Gringo. Nung 2003 hinabla siya ng kudeta kasama ang Magdalo rebels, at nagtago. May balita na pasulpot-sulpot siya sa mga kampong militar, pero hindi nahuhuli.
In-assign sa Phil. Constabulary-Integrated National Police ang pag-hunting kay Gringo nung 1988 dahil may hinalang kinakampihan siya ng militar. Nitong 2006 Philippine National Police ang tumugis sa kanya.
Muntik mahuli si Gringo sa hideout nung 1988, pero nakalundag sa bakod. Masaklap, sumabit ang PMA ring niya sa rehas ng bakod, at nabalian siya ng daliri na kinailangan putulin. Nitong 2006 nabalian si Gringo ng paa sa paglundag sa bubong ng kabilang bahay.
Habang nagtatago si Gringo nung panahon ni Cory, naplano at napamunuan pa niya ang kudeta ng Disyembre 1989. Naulit yon. Nagtago si Gringo matapos isangkot sa 2003 Magdalo mutiny, pero nakapagplano pa ng rebelyon nitong Pebrero 2006.
Master of disguise si Gringo. Noon, nakakalusot sa mga tumutugis sa pagbabalatkayong Arabo. Ngayon, anang mga guards sa subdivision kung saan siya nahuli, akala nila kung sinong "bumbay" lang siya.
Sa huli, naaresto si Gringo nung 1990 sa Valle Verde, Pasig. Ngayon sa karatig na Green Meadows Subdi- vision siya nadale, sa Pasig pa rin.
Nahuli kay Gringo noon sa Valle Verde ang mga magasin na Wife Beating at Child Sex, at nagalit ang misis niya nang mapabalita ito. Ngayon, nahuli si Gringo sa bahay ng "kaibigang babae", at nagalit ang misis nang matuklasan ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended