^

PSN Opinyon

Torture sa loob ng NBI-AKHARD, Inimbestigahan ng BITAG

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
Hindi na bago sa BITAG ang mga reklamong pang totorture ng mga kapulisan sa kanilang mga nahuhuling suspek.

Nung nakaraang buwan lamang nang mahulog sa BITAG ang mga Pasay Police matapos lumapit ang isang taxi driver matapos siyang pagbintangan ng mga pasahero na kasabwat ng mga holdaper.

Pero hindi inaasahan ng BITAG nangyayari rin ang torture sa isang ahensya ng ating pamahalaan.

Nagsimula ang lahat ng humingi ng tulong sa BITAG Action Center si Rogelio San para makauwi sa kanilang probinsiya.

Pero lingid sa aming kaalaman, meron pala siyang warrant of arrest sa kasong Qualified Theft na sinampa ng kanyang pinsan.

Nagdatingan sa aming BITAG Headquarters ang mga ahente ng Anti-Kidnapping,

Hi-Jacking ang Armed Robbery Division o AKHARD ng National Bureau of Investigation.

I-sinerve sa amin ang sinasabing warrant of arrest kay Rogelio, at i-ibinigay namin siya sa mga humuling ahente.

Nakita namin sa mukha ni Rogelio ang pagkatakot, pangamba na may masamang mangyayari sa kanya.

Dito nagkamali ang BITAG dahil nagtiwala kami sa mga ahente ng NBI-AKHARD at hindi na namin nagawa pang samahan si Rogelio patungo sa NBI.

Matapos ang tatlong araw, ibinalita sa amin ng pamilya ni Rogelio ang sinapit niya sa kamay ng mga ahente ng NBI-AKHARD.

Agad itong kinumpirma ng BITAG at sa Detention Cell ng NBI sinilip namin si Rogelio.

Nakita namin si Rogelio at nakita namin ang bakas ng sakal sa kanyang leeg maging mga pasa nito.

Mariin din namang itinanggi ng mga jail guards ng detention cell na "natakalan" o binugbog ng mga preso si Rogelio.

Isinumbong din ni Rogelio na sa loob daw nang tanggapan ng NBI AKHARD nalasap niya ang mga bugbog at pananakit sa kanya.

Malayo sa inaasahan ng BITAG na mangyayari ito sa tanggapan ng NBI, kaya dumiretso kami sa NBI AKHARD.

Gaya ng inaasahan mariin din nilang itinatanggi na sa kanilang tanggapan naganap ang pang totorture.

Nakakapagtakang isang simpleng qualified theft ni Rogelio, nagawang pag-aksayahan ng NBI AKHARD.

Ang grupo na siyang "panapat" sa mga kidnappers, carnappers, armed robbery pero sa kasong qualified theft lang, pinatulan na nila, na dapat ay sa mga simpleng pulis lamang ang pwedeng kumana.

Alam ng BITAG na hindi ito kinukunsinte ng pamunuan ng NBI sa pamumuno ni NBI Director Nestor Mantaring.

Sisiguraduhin namin na makakaabot sa kanila ang kasong ito, patuloy na tutukan ito ng BITAG.

vuukle comment

ACTION CENTER

ARMED ROBBERY DIVISION

BITAG

DETENTION CELL

DIRECTOR NESTOR MANTARING

NAKITA

NAMIN

NBI

ROGELIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with