^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa manloloko at mandarayang vendors

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
HABANG papalapit ang Pasko mapupunang parang kabute na nagsulputan sa mga palengke at bangketa ang mga prutas na imported gaya ng mansanas, peras, ubas, ponkan, orange at marami pang iba. Bukod sa dapat na mag-ingat sa pagbili ng prutas at baka ang mga ito ay naineksiyunan para magmukhang sariwa, dapat na maging listo rin ang mamimili at baka dinadaya sila sa timbang.

Kadalasan, sa ganitong panahon ng kapaskuhan naglipana ang mga mandarayang tindero. Maraming tindero na nandadaya sa kanilang timbangan. Akala ng mamimili ay husto sa kilo ang nabili niya pero magugulat siya dahil malaki pala ang kulang. Sanay na sanay na sa pandaraya ang karamihan sa mga sidewalk vendor.

Kung matalino ang customer, maaari niyang ipatimbang sa iba ang nabili niyang prutas. May mga timbangang bayan ang mga palengke na tama sa sukat. May pagkakataon din na kapag nabuking ang tindero ay panay ang tanggi lalo na kung may kasamang pulis ang nagrereklamo subalit kapag nakalayo na ang pulis na dala ang nakumpiskang timbangan, ilalabas na ng mandarayang sidewalk vendor ang reserbang timbangan. Magpapatuloy siya sa pandaraya.

Paalala kong muli sa mga mamimili ngayong panahon ng kapaskuhan, mag-ingat sa manloloko at mandarayang vendors.

BUKOD

KADALASAN

MAGPAPATULOY

MAMIMILI

MANDARAYANG

MARAMING

PAALALA

PASKO

PRUTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with