Kahit saan magtago si SPO3 Tom Sacueza mabibitag siya!

NAGMISTULANG haunted house nitong nagdaang mga araw ang bahay ni SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza na matatagpuan sa 2791 E. Interior Beata St., sa Pandacan, Manila. Dati-rati puno ng tao ang bahay ni Sacueza, lalo na sa gabi pagkatapos ng karera. Pero sa ngayon, kung may pumasok man sa bahay ni Sacueza< aba palinga-linga muna ito para bang takot na baka makunan siya ng video camera at madamay pa sa problemang dulot ng bookies ng karera nga. At si Sacueza? May nagbalita sa akin na nagtatago na ito sa Bicol. Pero kahit saan mang lupalop magtago si Sacueza, tiyak mabibitag din siya lalo na sa ngayon na nag-iinspection ang taga-Crame para sa taunang AGI-ORSITE nga. Wala nang gagawin ang taga-Crame kundi rebisahin ang listahan ng personnel sa D4 o logistics ng MPD kung saan naka-assign si Sacueza at – presto huli siya. ’Yan ay kung hindi matagurian na 15-30 si Sacueza, di ba mga suki?

At sa ngayon na nagdeklara na ng kandidatura niya sa Maynila si Sen. Ping Lacson, tiyak isa si Sacueza sa mga kinakabahang nilalang. Abot naman kasi ni Sacueza na noong PNP chief pa si Lacson, aba dinisiplina nito ang hanay ng kapulisan at tiyak tatamaan siya kapag naging mayor ito ng Maynila. At hindi lang si Sacueza ang hahadlang para maging mayor si Lacson sa Maynila. At hindi lang si Sacueza ang hahadlang para maging mayor si Lacson sa Maynila kundi pati mga kapwa niya gambling lords tulad nina Boy Abang, Erlan Samson, Lito de Guzman, Val Adriano at iba pa. Tiyak gigibain sila ni Lacson kapag naupo na ito sa City Hall, he-he-he!

Sobrang bango ata ni Lacson sa hanay ng mga negosyanteng Intsik, di ba mga suki? Ang tiyak na campaign slogan ni Lacson sa pagtakbo niyang mayor ay ang pagpaigting sa kampanya laban sa kidnapping for ransom, hulidap, bangketa at iba’t iba pang katiwalian ng kapulisan. Siyempre, may kakayahan si Lacson di-yan at ang Kuratong Baleleng rubout ang pru-weba niya. Magig ang corruption at iba pang uri ng katiwalian ay pakikialaman din ni Lacson. At sa ganang akin, kayang ipatupad lahat ’yan ni Sen. Lacson. Kasi itong si Lacson lang ang uma- yaw sa pork barrel sa Senado.

At kakagatin ng mamamayan sa Maynila ang campaign slogan ni Lac-son dahil mismo si incumbent Mayor Joselito Atien-za ang umamin na may dalawang bangketa case na nakarating sa kanya nitong nagdaang mga araw. Talamak na rin ang mga vendors sa Divisoria at bukas na bukas ang mga pasugalan. At ang sinisisi ni Atienza? Ang kapulisan sa Manila Police District (MPD) na walang laman ang utak kundi pagkaperahan. Hindi public ser- vice ang isinusulong ng taga-MPD natin kundi ang tinatawag na sariling service. Kaya ang kailangan talaga sa MPD ay isang nonsense police officer na maglilinis sa hanay ng kapulisan natin para hindi magamit ito ni Lacson sa kanyang advantage sa darating na kampanya.

At kung sa tingin ni Sr. Supt. Danilo Abarsoza, ang OIC ng MPD ay siya na ang pantapat kay Lacson, ang una niyang dapat gawin ay arestuhin at iparada sa media si SPO3 Sacueza. At isunod niyang ipasara ang mga pasuga-lan nina Boy Abang, Val Adriano, Lito de Guzman, Erlan Samson at iba pa. Tsaka itapon niya sa malalayong probinsiya ang mga station commanders na ang mga bata o alipores ay mahilig magbangketa. Get mo Sr. Supt. Abarzosa Sir? Hala kilos na!

Abangan!

Show comments