EDITORYAL - Pagod na sa pagtakbo?
November 17, 2006 | 12:00am
SIYAM na buwang nagtago si dating Senador Gregorio Honasan. Nawala siyang parang bula noong March 2006 isang buwan makaraan ang nabigong kudeta noong February 24, 2006. Inakusahan ng gobyerno si Honasan na nagplano sa kudeta na itinaon sa ika-20 anibersaryo ng EDSA 1 people power revolution. Bago ang bigong kudeta, inakusahan din si Honasan na may partisipasyon sa Oakwood mutiny noong 2003. Limang milyong piso ang nakapatong sa ulo ni Honasan sa ikadarakip nito. Nahuli ng mga awtoridad si Honasan sa Greenmeadows Subdivision, alas dos ng madaling araw. Tinangkang tumakas ni Honasan subalit nahulog siya sa bubong at nasugatan ang talampakan at nabalian ng buto sa paa.
Pagod na raw si Honasan sa pagtakbo at pagtatago. Pero nakapagdududa rin na nasa timing ang pagkahapo niya sa pagtakbo sapagkat anim na buwan na lamang at eleksiyon na. Hindi mahirap isipin na ang biglang pagkahuli kay Honasan ay may kaugnayan na naman sa politika. Maaari siyang tumakbo sa senado lalo nat ngayon ay sumikat na naman ang kanyang pangalan. Ang pagkakadakip ay nagluwal na naman sa makulay niyang buhay na nagsimula noong 1986 kung saan binuo niya ang Reform the Armed Forces (RAM) at sumama kay dating Defense Sec. Juan Ponce Enrile para labanan si Ferdinand Marcos. Bumagsak si Marcos at naluklok na Presidente si Corazon Aquino, biyuda ni Ninoy.
Siyam na ulit nagkudeta si Honasan sa Cory government. Nagkudeta siya noong Aug. 1987 kung saan 50 ang namatay at 200 ang nasugatan. Nada-kip siya noong December 1987. Ikinulong sa isang barko pero nakatakas noong April 2, 1988. Muling bumanat nang madugong kudeta noong December 1989 kung saan 90 ang namatay at sumemplang ang ekonomiya. Nag-alisan ang mga foreign investors noon. Sa kabila niyon binigyan pa siya ng amnestiya ni ex-President Ramos at iniluklok pa ng taumbayan sa Senado noong 1995.
Pagod na raw si Honasan sa pagtakbo at pagtatago. Salamat naman kung ganoon. Marahil kaya siya nasugatan sa paa ay para marahil nga matigil na sa pagtakbo. Sana nga ay pagod na siya. Matatahimik na rin ang bansa sa walang tigil na alimuom ng kudeta. Ang banta ng kudeta ang nagwawasak sa bansang ito. Ngayong nadakip na si Honasan magkakaroon na ng kapanatagan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am