EDITORYAL Col. Sabong
November 16, 2006 | 12:00am
HINDI nga madadakip ang mga Abu Sayyaf at iba pang terorista kung may mga miyembro ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang kanilang bisyo ang inuuna kaysa pagtugis sa mga "halang ang kaluluwa". Hindi nga malulutas ang sunud-sunod na pambobombang ginagawa ng mga teroristang Sayyaf o maski ang mga panggugulo ng New Peoples Army (NPA) kung may opisyal ng army na inuuna pa ang pagsasabong.
Ganito eksakto ang ginagawa ng Army colonel na si Felipe Tabas Jr. batay sa report ng AFP. Habang maraming sundalo ang nakikipaglaban sa mga terorista at NPA at napapatay, si Col. Tabas naman ay ang pagsasabong ang inaatupag. Umanoy nakunan ng retrato si Tabas habang tumataya sa isang sabungan sa Takurong City, Sultan Kudarat. Sinuspinde na si Tabas sa ginawa niyang pagsasabong. Ayon sa Army Provost Marshal Office, ang ginawa ni Tabas ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga army officers lalo pa at isang brigade commander. Bawal ang magsugal sa isang miyembro at opisyal ng AFP. Nahuli si Tabas na nagsasabong sa mismong area of responsibility niya. Si Tabas ay kabilang sa PMA class 1976. Bago pa umano ang pagkakahuli kay Tabas na nagsasabong, ni-relieved na rin pala ito sa puwesto noon sa Logistics Command nong 2001. Nang inalis sa Logistics hinawakan naman niya ang anti-crime Task Force Tugis ng Armys 6th ID. Pagkaraang manungkulan sa 6th ID nilipat siya sa 604th IB sa Tacurong City.
Halos kasunod nang pagkakasibak kay Tabas, isa namang nakayayamot na balita ang bumulaga. Ito ay ang pagkakalusot sa bitag ng Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon sa Sulu. Nakahulagpos si Hapilon sa opensiba ng militar. Maraming kasama si Hapilon at may matataas na kalibreng armas. Kabilang si Hapilon sa wanted ng United States dahil sa pagkidnap at pagpatay sa mga Amerikano. Bukod kay Hapilon, wanted din si Khadafy Janja- lani, Abu Solaiman. Kinukupkop nina Janjalani ang dalawang Indonesian terrorists na sina Umar Patek at Dulmatin. Ang dalawang ito ang bumomba sa isang resort sa Bali, Indonesia na ikinamatay nang maraming Australian tourists.
Hindi mahuhuli ang mga terorista kung may mga miyembro ng AFP na inuuna pa ang bisyo. Hindi masasawata ang pagdami ng mga "uhaw sa dugo" kung may mga opisyal na tutulug-tulog sa puwesto kagaya ni "Col. Sabong".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am