Mga Pinay na pinakulong sa Lebanon natulungan
November 15, 2006 | 12:00am
ITOY ISANG halimbawa pagpapakita ng tibay at tapang ng loob ng tatlong Pinay OFWS, tinakasan ang kanilang mga employers sa Lebanon dahil sa ibat ibang uri ng pang-aabuso at pagmamalupit.
Noong nakaraang buwan lumapit sa aming tanggapan si Jesus Gutierrez ng Pila, Laguna dahil sa asawa nitong, si Monaliza na nagpunta sa bansang Lebanon. Nailathala sa aking dito sa "CALVENTO FILES" at naisahimpapawid sa aming programa ni Department of Justice Secretary Raul Gonzalez, ang "HUSTISYA PARA SA LAHAT sa DWIZ(882khz) am band," 3-4 pm Lunes hanggang Biyernes at 7 to 8 am pag Sabado.
Nagpaalam si Monaliza, asawa ni Jesus Gutierrez, na nais nitong magtrabaho sa ibang bansa para kumita ng mas malaki at makaipon ng pera. Sa United Arab Emirates ito nag-aapply subalit nagulat na lamang si Jesus nang magsabi ang asawa na sa Lebanon siya mamasukan bilang domestic helper. Wala na siyang magawa kundi payagan ang asawa lalo pat ayos na ang mga papeles nito.
Ika-8 ng Setyembre 2005 nang umalis ng bansa si Monaliza. Malungkot man para kay Jesus ang mawalay sa kanyang asawa pero inunawa na lamang niya ito. Inisip na lamang niya na para naman ito sa kanila. Madalas sumusulat si Jesus sa asawa subalit huli na nang malaman niya na hindi pala ito natatanggap.
Nagkaroon naman ng pagkakataon si Monaliza na maikuwento sa kanyang asawa ang pangmamaltratong ginagawa ng employer nito sa kanya. Hindi raw ito hinahayaang makalabas ng bahay. Dadalawang beses lamang itong pinasuweldo at pagkatapos nito ay wala na. Pinayuhan naman daw ni Jesus ang asawa na umalis na lamang sa employer nito at umuwi na lamang ng bansa.
Samantala nang magkaroon ng kaguluhan sa bansang Lebanon ay labis ang pag-aalala ni Jesus sa kanyang asawa pero dito siya nagkaroon ng maraming pagkakataon na magkausap silang mag-asawa. Subalit muling dumalang ang pag-uusap nila nang makabalik na ang pamilya ng employer nito sa bahay ng mga ito.
Ika-5 ng Oktubre 2006 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang pinsan ni Jesus at ibinalita ang kalagayan ng kanyang asawa. Hindi na nito matiis ang ginagawang pananakit ng kanyang employer hanggang sa makatakas ito ng bahay.
Bagamat nangangamba si Monaliza sa pagtakas niya ay pinilit niyang lakasan ang loob kesa magtagal pa ang pang-aabuso sa kanya ng amo niya. Hanggang siya ay makarating sa pangangalaga ng embahada ng Pilipinas sa Lebanon.
Nakipag-ugnayan din ang tanggapan ni Secretary Raul Gonzalez sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs at embahada ng Pilipinas sa Lebanon para sa panawagan ni Jesus na matulungang makauwi ng bansa ang kanyang asawa.
Mabilis na naaksyunan ang panawagang ito at nakauwi ng bansa nitong buwan si Monaliza. Labis na ipinagpapasalamat nito na ligtas namang nakauwi ng bansa si Monaliza. Muli silang dumulog sa aming tanggapan at inilahad ang mga hirap at pasakit na naranasan nila sa Lebanon.
Matatandaan na kasama sa panawagan ni Jesus para makabalik ang kanyang asawa ang dalawa pang kaibigan na sina Maricel dela Cruz at Jasmin Sundiam. Silang tatlo ay nakakulong sa Lebanon dahil sa ibat ibang mga kasalanan na pawang mga kasinungalingan na gawa-gawa lamang ng kanilang mga Lebanese employers.
Maganda ang kwento ni Maricel at Jasmin dahil kinailangan ni Maricel na lumundag mula sa isang gusali at magkasugat-sugat dahil gusto niyang matakasan ang manyakis niyang employer. Gusto pa siyang gawing "baby maker" ng asawa ng lalake dahil hindi na siya pwedeng magka-anak pa at malalaki na ang kanilang mga ibang anak.
Si Jasmin naman tinurukan sa braso ng droga at nawalan ng malay hanggang ihatid na lamang siya sa Philippine Embassy na gula-gulanit ang kanyang mga damit at puno ng pasa ang kanyang buong katawan. Hindi din siya makadumi ng ilang araw.
Matutunghayan ang kabuuan ng kanilang kwento sa Biyernes sa pagpapatuloy ng artikulong ito.
Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kayay sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended