Sinabi ni Dr. Santos, kapag may sipon at ubo ang bata dapat silang patingnan sa doktor para maiwasang lumala.
Dahil mahal ang gamot sa arthritis, mga halamang gamot ang ginagamit ng aking pinsan. Kabilang sa mga halamang gamot na kanyang ginagamit ay ang pansit-pansitan. Pinakukuluan niya ito at hinihigop ang sabaw. Nababawasan ang kirot ng kanyang mga kasu-kasuan.
Umiinom din siya ng sabaw ng nilagang luyang dilaw para bumaba ang kanyang uric acid. Dinidikdik din niya ang luyang dilaw at ipinapahid sa kanyang namamagang tuhod, binti, braso at sakong.
Nakatutulong din nang malaki ang dahon ng tuba-tuba. Nilalagyan niya ng langis ang dahon ng tuba at dinada-rang sa init. Itinatapal niya ito sa masakit na bahagi ng katawan.