^

PSN Opinyon

Alcano da Volcano

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
KUNG ang international boksing ay may kampeonato sa 16 divisions (heavyweight hanggang light flyweight), sa BILYAR, iisa ang tsampyon -— ang LAST MAN STANDING sa World Pool Championship. At ngayong 2006, si RONATO ALCANO ng Pilipinas ang No. 1 player sa buong mundo! Walang binatbat maging Kano, German, o Asiano. Maski Bata Reyes, pinataob. Para silang billboard na isa-isang nalaglagan sa tindi ng sabog ng Volcano Alcano.

Bagong idolo ng Masa, ang alamat ni Ronnie Alcano ay nabuo sa kanyang pagsasanay sa mga bilyaran ng Calamba, Laguna. Tapos siya ng Grade 6 subalit hindi na nakapag-high school. Sa halip ay sa bilyaran nagmatrikula at doon nagpakadalubhasa hanggang ma- abot ang tuktok ng kanyang "propesyon". Sa harap nang napakaraming tukso at pagkakataong maligaw ang landas — drugs, jueteng (Laguna yata yan), si Ronnie ay nagpunyagi. At ngayon, karangalan at kayamanan ang sukli. Ni hindi malaman ang gagawin sa premyo. Mabuhay ka kabayan!

Pangalawa na itong international na parangal na napanalunan niya, kasunod ng pagiging Gold Medalist sa SEA games. Si Alcano ang ikatlong Pinoy na humawak ng titulong World Champion kasunod ni Bata Reyes (1999) at ang Fil-Canadian na si Alex Pagula-yan (2004). Patunay na kapag BILYAR and usapan, Pilipi-nas ang No. 1.

RONATO ALCANO
GRADE: 100

Lost & Found.
Nawalan ka sa daan ng limpak-limpak na salapi. Anong tsansang makita pa itong muli? Basta sa Pinas, malaki! Lalo sa Lucena. Nawalan ng pitakang naglalaman ng P40,000 ang negosyanteng si Mr. Modesto Chionglo. Sa kabutihang palad, limang Grade 6 students ng Lucena East Elementary School ang nakapulot. Sina Luigi Villania, Ken Marcial, Kevin Alan, Marc Dagal at Fernan Jacinto. Agad nasauli ang pera — hindi nagdalawang isip. Pabuya naman agad ng P20 si Mr. Chionglo kada bata. Bravo mga disenteng bata! At congrats sa inyong mga magulang at guro na nagbigay sa inyo ng mabuting aral. Sa ganitong panahon, mga bayaning tulad ninyo ang kailangan upang maibalik ang pag-asa ng bansa sa kabutihan ng Pilipino.

5 Lucena Children
Grade: 100/ Modesto Chionglo Grade: 20

ALEX PAGULA

BATA REYES

FERNAN JACINTO

GOLD MEDALIST

KEN MARCIAL

KEVIN ALAN

LUCENA CHILDREN

LUCENA EAST ELEMENTARY SCHOOL

LUIGI VILLANIA

MARC DAGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with