^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Wakasan ang political killings

-
PITUMPU’T ISA na ang napapatay na mga aktibista sa taong ito. Noong nakaraang taon, 79 ang napatay. Pinaka-latest na napatay ay si Joey Javier, 42, director ng isang kooperatiba ng mga magsa-saka sa Baggao, Cagayan. Binaril ng dalawang lalaking nakamotorsiklo si Javier na namatay noon din. Ayon sa human rights group na Kara-patan, mula nang maupong presidente si Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001, 765 na ang napapatay na mga lider manggagawa at aktibista. Mahigit isang buwan na lamang ang 2006 at maaaring madagdagan pa ang mga biktima ng political killings lalo pa at wala namang pagkilos sa pamahalaan para maihinto ang mga pagpatay.

Nakaaalarma na ang mga pagpatay na hindi lamang mga aktibista ang itinutumba kundi pati na rin mga mamamahayag. Wala nang pagkatakot ang mga salarin na parang pumapatay lamang ng manok.

Naalarma na rin ang mga dayuhang negosyante sa mga nangyayaring patayan at nanawagan sila kay President Arroyo na ihinto ang mga karumal-dumal na pagpatay. Anim na multinational companies ang nagpaabot ng mensahe kay Mrs. Arroyo. Sinabi nilang walang puwang sa isang demokratikong bansa ang mga pagpatay na nagaganap. Nararapat umanong maimbestigahan agad ang mga pagpatay para maparusahan ang mga nagkasala. Bilisan anila ang pag-imbestiga. Sinabi ng mga negosyante na ang patuloy na mga pagpatay ay maaaring maging hadlang sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Mababahiran anila ang imahe ng Pilipinas at maaaring mabawasan ang mga nais magnegosyo sa bansa. Kapag nagkaganito apektado ang ekonomiya at siyempre maraming Pinoy ang mawawalan ng trabaho. Maraming maaapektuhan kapag hindi nawakasan ang mga pagpatay.

Ilang buwan na ang nakararaan, binuo ni Mrs. Arroyo ang Melo Commission para maimbestigahan ang mga pagpatay. Wala pang naririnig sa Melo Commission. Sabi naman ng Philippine National Police, napababa na nila ang bilang ng mga biktima ng political killings. Ayon sa PNP napababa nila sa 136 ang bilang ng mga napapatay mula 2001 at naka-solved daw sila ng 62 cases. Pero ang tanong, nasaan ang mga suspect kung nakalutas sila ng 62 kaso.

Malakas ang sigaw hindi lamang ng human rights group kundi pati mga dayuhang negosyante, wakasan ang mga pagpatay.

AYON

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JOEY JAVIER

MELO COMMISSION

MRS. ARROYO

PAGPATAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with