Away ni GMA vs The Firm
November 14, 2006 | 12:00am
WALANG makapagsabi kung gaano kalalim ang pag-aaway ni President Arroyo at nina Justice Antonio Carpio, ex-Defense Secretary Avelino Cruz at Pancho Villaraza ng The Firm. Maski ako ay hindi alam kung away-kapatid ito o grabeng awayan.
Sa pagkaalam ko nagsimula ang lahat dahil sa inggit. Kakaiba ang dating ng taga-The Firm. Kapag hinihingan ng advise ni GMA, class na class at aral na aral ang presentation. Hindi sasabit sapagkat may legal basis. Hindi katulad ng ibang advisers na masyadong pulitikal at simplistic. Kaya naiinggit ang mga advisers na ito sa The Firm.
Maraming "ahas" sa Palasyo. Kapag tatanga-tanga, madaling matutuklaw ng ahas diyan na walang kalaban-laban. Ganyan ang senaryo sa Palasyo. Labu-labo ang nagpapataasan ng ihi. Suwerte kapag napansin agad diyan. Bahala kung ano ang gagawin para sumikat. Dapat marunong tumapak, bago matapakan.
Sa palagay ko, matagal nang imbiyerna ang The Firm dahil ang mga planong inaaprubahan ni GMA na nanggaling sa malalapit niyang tauhan ay mga palpak at makasisira sa gumagandang takbo ng pamamahala. Palagay ko rin, humihina ang impluwensiya ng The Firm sa Malacañang.
Pinakahuling proposal na salungat ang The Firm ay ang tungkol sa Peoples Initiative na ibinasura ng Supreme Court. Ito ang dahilan kaya nag-resign si Defense Sec. Avelino Cruz.
Sa palagay ko rin marami pang susunod na kaganapan na may kinalaman sa away ni Arroyo at The Firm. Maaaring lumala pa ang away.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended