^

PSN Opinyon

Bakit napaka-sarap magkawang-gawa?

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAPAKA-talino talaga ng Diyos. Tinuruan Niya tayo maging mapag-kawang-gawa. Bukod du’n, binigyan Niya tayo ng kagalakan sa pagka-kawang-gawa. At ang matindi sa lahat, ginawan Niya ng paraan na ang kagalakan – ramdam di lamang sa puso kundi sa utak – ay may mabuting idulot sa ating katawan: nakakabata, nakakasigla, nakakapanatag-loob.

Nabatid ang huli sa bagong saliksik sa US National Institute of Neurology. Inalam ng mga dalubhasa kung bakit natural tumulong sa kadugo kaysa estranghero. May mga tumutulong sa di-kakilala sa hangad na magantimpalaan sa kinabukasan. Pero bakit maraming tumutulong sa mga kosa o grupo na hindi naman gaganti ng tulong? Ang sagot, anang mga dalubhasa: Kasi literal na masarap ang pakiramdam.

Labinsiyam na volunteers ang binigyan ng tig-$128, at sinabihang maari iabuloy ang buo o bahagi sa mga nilistang charities. Kontrobersiyal ang ilang charities: tulong sa abortion, suicide o sex equality; kontra death penalty, giyera o nuclear arms. Inalam ang pagpasya ng 19 sa: Pag-abuloy ng perang hindi naman kinita, pagbawas ng inabuloy sa matitira nilang ipon, lumaban sa mga kosa o umayon sa mga kontrobersiyal na isyu pero walang kukutya.

Resulta: Tatlong bahagi ng utak ng tao ang lumalahok sa desisyon.

Kapag ang desisyon ay magkait ng abuloy, ang unang gumagana ay ang bahagi na nagpaparamdam ng sarap sa sex, pera, pagkain o droga. Ito ang "mesolimbic pathway" na nagkokontrol sa dopamine hormone.

Pero kapag ang desisyon ay magbigay nang todo, may pangalawang gumagana: Ang bahagi na nakakaramdam ng bonding ng anak at ina o ng pag-ibig, na nag-uudyok ng oxytocin hormone na siya naman ang bubunsod ng pagtitiwala.

Kapag nagtalo ang isip sa pagbigay ng malaki o maliit, at sa hindi nais na kosa, may pangatlo pang gumagana, ang "anterior prefrontal cortex" sa likod ng noo. Ito ang tumutulong magpasya sa mga isyung moral, tulad ng pagpili ng tama o mali.

BUKOD

DIYOS

INALAM

KAPAG

NATIONAL INSTITUTE OF NEUROLOGY

NIYA

PERO

TINURUAN NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with