Pilipinas sa pamumuno ni Madam Gloria
November 9, 2006 | 12:00am
NAGLABAS ng bagong resulta ang Transparency International, ang tinuturing na watchdog ng corruption sa buong mundo, para sa 2006 at lumalabas na ang Pilipinas na pinamumunuan ni Madam Senyora Donya Gloria ay pang-121 sa 163 bansa sa buong mundong minamarkahan ng naturang non-government organization.
Kapantay ng Pilipinas ang Russia na pinamumugaran ng mga Russian Mafia, Rwanda, Nepal kung saan may Hari silang nira-rally din araw araw ng mga mamamayan dahil sa corruption at kasakiman, Honduras, Benin, Gambia and Guyana.
Ilang hakbang na lang at aabutin na natin ang Iraq na kasalukuyang may civil war, Myanmar na pinamumunuan ng corrupt na military dictatorship, Guinea at siyempre ang Haiti kung saan kilalang minamalas na laging nagkakaroon ng lider na ganid, sinungaling, mandaraya, malupit, sinungaling at magnanakaw.
Nanatiling mababa ang Bangladesh sa listahan bagamat hindi na ito ang kulelat at nilampasan na ng Haiti at Iraq. Bagamat nasa top ten pa rin ang bansang ito sa larangan ng corruption, malaki ang naging improvement nila dahil naungusan na sila ng Haiti, Myanmar, Iraq, Guinea, Sudan, DR Congo at Chad.
Ang bansa naman natin na pinamumunuan ng isang magaling na ekonomista at nag-aral pa sa ibang bansa sa katauhan ni Madam Senyora Donya Gloria na siya ring nag-utos sa Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) at kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na "labanan ang lahat ng uri ng corruption" ay bumagsak mula pang 117 noong nakaraang taon sa ranking na 121 sa taong ito.
Noong 2004 ay ranked 102nd naman tayo. Noong 2003 pang 92nd. Noong 2002 ay pang 77th at noong 2001 ay pang-65th. Nag-umpisa ho sa Malacañang si Madam Senyora Donya Gloria noong January 2001.
Sa taong naninirahan siya sa Malacañang ay walang tigil tayong dumadausdos at hindi malayong abutin na natin ang notoriety bilang pinaka-corrupt na bansa sa buong mundo. At the rate na bumabagsak tayo, hindi malayong sa isang taon ay malalagay na tayo sa kakahiyang grupong top ten most corrupt nations in the world.
Ang Sri Lanka ay pang 84, Uganda kung saan naging lider ang parang demonyong si Idi Amin na kumakain pa ng tao ay 105th at ang Vietnam ay 111th. Naungusan pa tayo ng tatlong bansang ito na kilala sa pagiging palpak. Talagang matindi ang administrasyong kilala rin bilang producer ng magic fertilizer na puwede kahit sa semento, kalyeng pinakamahal sa buong mundo, tulay na walang pupuntahan at iba pang mga achievements ng Malacañang at siyempre bank accounts ni Jose Pidal.
Pero huwag ho kayong mag-alala, hanggang 2010 pa ang nakatira sa Malacañang kaya asahan niyo, lalampasan natin lahat ang mga iyan at itatanghal tayo sa buong mundo bilang no. 1, sa corruption nga lang.
At kung lulusot pa ang plano nilang pagbabago sa Saligang Batas na magluluklok sa kanila sa puwesto forever ay hindi malayong maging hall of famer tayo. Hindi lang tayo magiging champion, uulit pa tayo, kukuha ng grandslam, four peat, five peat at forever most corrupt nation in the world at lahat thanks to the economist and super galing Madam Senyora Donya Gloria.
Isang katanyagang hindi natin kailangan at mag-aalis ng tuluyan ng ating national pride and dignity at lahat ng iyan ay utang natin sa galing, talino at husay ni Madam Senyora Donya Gloria, Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo, mga Gabineteng nananatiling silaw sa kapangyarihan, mga kaalyado, kakampi, kapuso, kapamilya at mga sipsip.
At tandaan ninyo, hindi sila magnanakaw, mandaraya, mandarambong, manloloko, mang-aagaw, sinungaling at higit sa lahat mahal na mahal nila ang kanilang bayan at tumutupad sila ng maayos sa kanilang tungkulin at hinding-hindi si Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo si Jose Pidal at walang foreign bank accounts at properties sa ibat ibang panig ng mundo ang mag-asawang Arrovo, este Arroyo pala.
Gaya ng boss at commander-in-chief nila, pinagmamalaki rin nitong si Philippine National Police Chief Oscar Calderon na kayang lipulin ang jueteng sa ilang buwan niyang panunungkulan bilang hepe ng mga pulis.
General kumalat pa lalo ang jueteng lalo na riyan sa Alfonso, Cavite kung saan tatlong beses sa isang araw ang bola sa Bgy. Sinaliw Malaki. Ganoon din sa San Antonio, Zambales at sa San Pablo City, Laguna kung saan pati mga pulis ay tumataya dahil kakarampot nga ang kanilang suweldo at lahat ng benepisyo lalo na ang intelligence fund ay kinokopong sa Camp Crame.
Happy rin ang jueteng operator na nakakasakop sa Valenzuela at sa Roxas, Isabela. Gen. Calderon, kung gugustuhin nyo kaya iyan gaya noong PNP Chief si Senador Panfilo "Ping" Lacson, kaso lang papalapit na ang eleksyon at kailangan na naman ng perang pangangampanya.
Hindi na sana maulit ang masayang party sa bahay ni Madam Senyora Donya Gloria kung saan ang tanging mga imbitado ay ang mga magagaling na mga Commission on Election (Comelec) officials sa pamumuno ni dating Commissioner at Presidential phone pal Virgilio "Hello Garci" Garcillano at si Ginang Lilia Pineda na bukod sa pagiging kumare at kababayan ay may bahay ni Bong Pineda na makaiwas lang sa imbestigasyon sa jueteng ay tumakbong US upang magpatubo ng buhok.
Patuloy ang jueteng, tumataas ang krimen, lumalaganap ang droga, pero ayon kay Calderon sinosolusyonan na ang mga problemang ito, Tanong ko tuloy: anong klaseng solusyon at sino kaya ang binibigyang solusyon? Tatanong lang po.
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am