Good manners and right conduct Atutubo
November 9, 2006 | 12:00am
HINDI lang pang-security matters si retired Philippine Army General Angel Atutubo dahil makatao rin toits. Sabi nga, magalang at service oriented sa madlang people!
Tinagubilinan ni Angel ang kanyang mga alipores na maging magalang, mabait, makatao at siyempre service with a smile sa lahat ng mga taong nasa NAIA specially ang mga arriving at departing passengers. Nararamdaman kasi ni Angel ang pagod at hirap ng isang dumarating at umaalis na passenger kaya naman ipinatutupad niya ang kanyang mando.
Kaya lang may mga bastos talagang mga tauhan ng gobyerno sa airport akala kasi nila sila ang mga amo rito.
Isang Asuncion, miyembro ng Industrial Security Guard ang parang may regal ng bastusin ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, the other night sa NAIA Terminal 2.
Galing pa naman ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pleasure trips kaya masasaya silang naglabasan sa airport at sumakay sa kani-kanilang sasakyan.
Hindi pa nag-iinit ang kanilang puwitan sa pagkakaupo sa kanilang sasakyan humahagibis na lumapit todits ang bastos na miyembro ng Industrial Security Guard na nanliliksi ang mga mata.
Nagsisigaw ito dahil bawal daw pumarada sa curbside ng Terminal 2 pero ang pinagtataka ng kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, 10 units ang mga vehicles ang nakaparada noong mga oras na iyon.
"Ano kaya ang gustong palabasin nitong si Asuncion, ireklamo siya sa Civil Service Commission? tanong ng kuwagong lasenggo.
"Baka walang nag-abot?"
"Tinawag ito ni Angel para bigyang linaw ang kabastusan niya," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Disiplinado ang boss nitong si Col. Frankie Dino," sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.
"Siguro dapat muna itong ilagay sa may runway para wala muna siyang taong nakikita at baka may magawa pang grabeng kasalanan."
"At least sa runway mahangin at puwede siyang magbilang ng mga maliliit na ibon dito na naghahanap ng matsi-tsibog," sabi ng kuwagong Kotong cop.
"Baka lang may problema pagbigyan muna."
"Kamote ka pala hindi nga puwede ang bastos sa NAIA.
"Intiende, tekamots?"
"Ano ang maganda?"
"Turuan muna siyang ngumiti sa mga taong lalapitan niya sa airport hanggat on duty siya."
"Korek ka dyan!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended