^

PSN Opinyon

‘Don’t you know who I am!?’

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
USAP-USAPAN ang insidente sa NAIA. Sangkot ang anak ng Malacañang subalit imbes na makarinig tayo ng "don’t you know who I am!?", ang naging tanong ay mistulang "don’t you know who you are?" — paalala sa Immigration Officer na wala dapat "special treatment" sa dayuhan. Marami ang humanga, kasama ang REPORT CARD, sa pagpapakumbaba ni Ms. Luli sa pagpila. Pero, sandali…Kailan nga ulit naging kahanga-hanga ang pagsunod sa patakaran? Hindi ba’t ganito talaga ang turo ng ating magulang? Wala na bang disiplina sa Pilipinas at kagulat-gulat na kapag may sumunod sa regulasyon?

Sabi ng iba, buti nga pumila pa siya. Hello! Kaya nga pumila si Ms. Luli ay alam niyang pare-parehas lang dapat. Walang lamangan. Walang kakaibang karapatan ang pagiging anak ng Malacañang. May delicadeza.

Sulat ni Gng. Armida Siguion Reyna: Sa dami nang maaaring isumbong, sana’y hindi lang pagpila ng tama ang pagtuunan. Kung talagang may nais sabihin laban sa panlalamang sa kababayan, maraming mas malalaking usapin na kayang asintahin. Napakalaking entablado ng Malacañang sa nais maging puwersa sa pagbabago. Kitam, isang salita niya lang puro ngiti na ngayon sa mga tanggapan ng gobyerno.

Walang lamangan? Ano kayang masasabi sa Executive Order 400 at 400-A kung saan inarbor ng Palasyo ang paggamit ng plakang "No. 1" o ang vanity plate na "PANGULO"? Plakang 2,3,4,5,6,7,8 to 16 naman ang ibinigay sa mga opisyales ng gobyerno. Anong mensahe ang hatid ng ganitong batas kung saan malinaw ang "special treatment" na ibinibigay sa sarili? May kasabihan na "Public service is its own reward": Ang makapaglingkod sa bayan ay ang sarili nitong gantimpala. Hindi kaya mas kahanga-hanga kung manguna ang Palasyo sa pagbawal ng ganitong pribilehiyo?

Salamat at nag-react si Ms. Luli. Marami pang suliranin na maaring makinabang sa kanyang atensyon. Sa Arroyong ito, tiwala ang tao. Sana’y pangatawanan niya ang krusada laban sa panlalamang dahil sa kanyang katayuan ay malaki ang maitutulong niya. Ano nga ulit ang tanong . . . "Don’t you know who you are?"

Evangeline Lourdes M. Arroyo

Grade: 87

ANO

ARMIDA SIGUION REYNA

EVANGELINE LOURDES M

EXECUTIVE ORDER

IMMIGRATION OFFICER

MALACA

MARAMI

MS. LULI

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with