^

PSN Opinyon

Humukay ng sariling libingan

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NAGBITIW si Defense Secretary Avelino "Nonong" Cruz kahapon na tiyak kong yumayanig at nagdadala ng panibagong pangamba sa administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.

Ang initial na reaksyon ng Malacañang sa katauhan ni Press Secretary Ignacio "Toting" Bunye ay "Secretary Cruz has submitted his resignation but President Arroyo is not taking any action," ay patunay na natataranta sila sa sinumiteng irrevocable resignation ng isa sa dating senior partner ng tinatawag na THE FIRM.

Paanong sasabihin nila na "President is not taking any action" eh irrevocable po ang resignation na ibinigay. Ibig sabihin nito, walang atrasan at bilang isang abogado at dating ka partner sa THE FIRM ay tiyak alam ni Sec. Cruz ang ginagawa niya.

Kung hindi aaksyunan ng Malacañang ito ay magkakaroon ng bakante sa naturang posisyon, isa sa pinakasensitibong cabinet post ng sinumang administrasyon.

Sa isang nakaraang column ay sinabi kong hindi kaya ng Malacañang na sibakin si Cruz dahil sa dami ng nalalaman tungkol kay Madam Senyora Donya Gloria, kay Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo, kay Senorito Sir Mikey Arroyo at sa iba pang miyembro ng pamilya at iba pang may katungkulan sa kasalukuyang administrasyon.

Ang iba pang partner ni Cruz ay si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na siyang ponente ng desisyon ng Korte Suprema kung saan binasura nila ang people’s initiative at sinabi pang isa itong patuloy na panloloko at panlilinlang sa sambayanang Pilipino at si Atty. Pancho Villaraza na kilala ng karamihan bilang isa sa pinakamalapit at pinagkakatiwalaang kaibigan hindi lang abogado ng pamilya Arrovo, oops, sorry Arroyo pala.

Ang opisina ng THE FIRM ay nandoon din sa LTA building sa Perreira st., Makati kung saan nag-oopisina si Jose Pidal at si Udong Mahusay na taga-deposito sa banko bukod pa sa tagabili ng bulaklak at red wine para kay Vicky Toh.

Anyway, hindi nga nila kinayang sibakin pero may pagka-delikadeza pala si Cruz na nag-file ng irrevocable resignation. Balita ko asar na asar na si Justice Carpio, Secretary Cruz at Atty. Villaraza sa ginagawang paninira sa kanila ng mga kaalyado, sipsip, kapartido, kakampi, kapamilya, kapuso ng Malacañang at minabuti nilang dumistansya muna sa isang "sinking ship."

Open close quote ho ang nilagay ko sa "sinking ship" dahil hindi ho ako ang maysabi niyan kung hindi ang paborito kong source dahil sa kanyang accurate report.

Malinaw na malinaw sa paningin nina Cruz na wala na silang silbi sa kasalukuyang administrasyon at tinuturing na silang basura. Ganoon din naman ang ginawa ng administrasyon sa ibang mga pinakinabangan at nagamit na nila. Katuwiran naman lagi ay bayad ka na, kaso hindi lahat ng tao, gaya ng paulit-ulit kong sinasabi ay nasisilaw sa pera. Importante ho sa lahat ay honor and respect na hindi kayang bilhin ng anumang halaga.

Bukod pa rito ang balitang marami sa kasalukuyang kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria hindi lang sa Senado at Kongreso kung hindi pati sa Gabinete ang nakikipag-usap muli sa oposisyon dahil sa alam nilang "kiss of death" ng pagiging kaalyado ng Palasyo.

Ultimo grupo ni House Speaker Jose de Venecia ay sinasabing masama ang loob sa Malacañang dahil sa isang malaking double cross na ginawa sa kanila. Inaalam ko pa kung anong klaseng double cross o lokohan ang nangyari at sana hindi ito tungkol sa malaking halaga ng salaping naipangako na hindi naibigay.

Walang katahimikan talagang aasahan ang administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria dahil sa kabi-kabilang deal na pinapasukan nila matiyak lang ang kanyang pamamalagi sa Malacañang.

Aabot talaga sa puntong merong magtatampo o magagalit dahil hindi na nila kayang pagbigyan lahat. Puro sila pagtatakip sa butas at remedyo lamang kaya darating ang panahon na wala na silang magagawa kung kaya mauuwi sila sa PAGHUKAY NG SARILING LIBINGAN.
* * *
Sa mga pasaherong papaalis, payo ko ho sa kanila ay agahan ang pagtungo sa paliparan dahil sa tindi nga ng pila. Sa mga immigration officers naman na napipilitan unahin ang processing ng ibang pasahero dahil sa paalis na ang eroplanong sasakyan nila, paliwanag n’yo sa mga sumusunod at sa mga nalalampasan, konting unawa po dahil bawa’t delayed flights ay may epekto sa lahat.

Tama ho ang ilang nag-text sa akin sa sinabi nilang dapat maging courteous ang mga empleyado ng gobyerno bukod sa paglipat sana sa mas malaking airport na mukhang impossible dream dahil nga sa milagrong ginawa ng ilang mga matataas na opisyal ng gobyerno.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

CRUZ

DAHIL

DEFENSE SECRETARY AVELINO

HOUSE SPEAKER JOSE

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MALACA

SECRETARY CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with