^

PSN Opinyon

Dahil walang suporta Supermaids sasablay

SAPOL - Jarius Bondoc -
SA PAPEL maganda ang Supermaids program ni President Gloria Arroyo na mag-aangat sa $400 kada buwan ng suweldo ng OFW domestic helpers. Sa praktikal, tila problema ang idudulot nito.

Sa ngayon ang nagawa na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay i-train ang nag-aasam mag-Supermaid sa basic skills na pagluluto at pagkumpuni sa bahay. Ang Philippine Overseas Employment Authority (POEA) naman, nangakong hindi na sisingil ng kahit ano’ng deployment fees, at tinaasan ang minimum age ng Supermaids sa 25 anyos mula 21.

Bukod du’n, wala nang iba pang ginawa ang gobyerno para tiyakin na $400 nga ang sasahurin ng Supermaids sa ibang bansa. Wala ni isang foreign government ang kinausap para mahigpit na ipatupad ang sahod. Wala ni isang asosasyon ng recruiters ang kinonsulta kung paano susunod sa nais ng POEA na wala nang singil na placement fee. Wala ni isang trade group ang tinanong kung paano isasabay ang taas-sahod ng mga OFW mekaniko at karpintero na ngayon ay $300 a month lang.

Kapag ganyan ang sitwasyon, para na rin sinabihan ang Supermaids na bahala na sila sa sarili. Walang recruiter na magpe-place sa kanila nang libre, walang gobyernong nakakaalam na $400 pala ang nais nila. Papasok ngayon ang illegal recruiters sa magkabilang panig: Sa abroad at sa Pilipinas. Ang sa abroad, mangangako ng pagkalaki-laking suweldo para malanse ang Supermaid na mag-abot ng "tip". Ilulusot naman siya sa NAIA "escort service" para sa dagdag na "tip". Tapos, bahala na siya kung may trabaho nga sa pupuntahang bansa o may suweldo man o alipin siya.

Ang balita nga, dumadagsa na ngayon ang Supermaids sa Lebanon, miski bawal pa mag-deploy ng OFW doon. Ang pangsilaw na alok na suweldo sa kanila ay $2,000, pero sino namang Arabo ang magbabayad ng gan’ung suweldo na katumbas na ng sa supervisor sa Middle East. At dahil silaw sa pangakong suweldo – $2,000 = P100,000 a month – tumaas na rin tuloy ang "escort service" fee sa NAIA sa P12,000 kada bungo.

ANG PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT AUTHORITY

ARABO

BUKOD

MIDDLE EAST

PRESIDENT GLORIA ARROYO

SUPERMAID

SUPERMAIDS

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with