^

PSN Opinyon

Tetada Kalimasada: Paggamot sa sarili

SAPOL - Jarius Bondoc -
ANG western medicine nakasandal sa gamot. Oras na ma-diagnose ang sakit, kasunod na ang reseta ng doktor. Iinumin, iiniksiyon, ipapahid o ipapatak man, lahat mahal. At lahat maaring may side effect. Mahal pa!

Maraming paraang paghilom ng sakit na hindi nalululong sa gamot. Nariyan ang herbal at generic preparations, workout at wastong pagkain. At nariyan siyempre ang pagdarasal.

May natutunan akong kakaibang klase: Ang paggamit ng enerhiya sa loob ng katawan, kasabay ang dasal, para kontrahin ang sakit. Ito’y ang matanda at dating lihim na Indonesian self-defense at self-healing art na Tetada Kalimasada.

Tetad…ano? Hindi kilala ang salitang Indonesian na ito, pero sikat sa kapit-bansa natin ang Kalimasada bilang alternative healing. Nahihilom kasi ang mga sagabal na sakit: Allergic rhinitis, asthma, arthritis, obesity, high blood pressure, arethmia, at pati panghihina sa sex. Pati raw ang diabetes na walang lunas kundi diyeta at workout, nahihilom sa ilan.

Mahirap i-eksplika ang paghilom sa pamamagitan ng inner energy. Kailangan maramdaman at maranasan, para malaman ng may-sakit kung umigi nga ang kalagayan niya. At lahat tayo, secret lang ha, may sakit.

Sa Kalimasada, nababatid ang pag-ipon ng sariling enerhiya sa mga praktisadong paraan. Halimbawa, balutan ng energy ang bumbilya, saka ibagsak sa sementong sahig; dapat tumalbog lang imbis na mabasag. O tuntungan ang fluorescent tube na in-energize; dapat hindi rin mababasag. O kaya balutan ng energy ang sarili — para hindi maging pansinin ng ibang tao, lalo na ng kaaway.

Kung sawa ka nang bumili ng gamot pero hindi naman gumagaling, subukan mo ang Tetada Kalimasada. Hindi garantisado, pero malaki ang tyansa, gagaling ka, lalo na kung may pananalig ka sa Diyos. Tumawag o mag-text sa mga numero para alamin kung saan ang pinaka-malapit na training center: (02) 928-1302, (0917) 890-3120, o (0918) 332-8564, hanapin si Ms Bing o Mr Fred Angeles, o Ms Penny Tan.

vuukle comment

DIYOS

HALIMBAWA

IINUMIN

MR FRED ANGELES

MS BING

MS PENNY TAN

SA KALIMASADA

TETADA KALIMASADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with